Kabanata V

7 2 0
                                    

Kabanata V: Land's Map

Tiningnan ko sa salamin ang kulay asul na mahabang kasuotan na galing kay Lorena Fang. Mula sa istilo nito ay tila kasuotan ito sa Qing dynasty. Kahit papano naman ay may nalalaman pa rin ako sa history ng China na pinanggalingan ng papa ko.

Napatingin naman ako sa higaan ko. Feeling ko tuloy prinsesa ako sa lugar na to. Agad kong tiningnan ang birth mark ko sa dibdib. Nandidito pa rin ito. Base sa isinulat ko, hawak ni Jian ang konstelasyon ng Ophiuchus pero mukhang nalimutan ko kung anong kakayahan nito. Tsk, mukhang hindi pala masyadong detalyado ang ginagawa kong istorya, Medyo naiintindihan ko na kung bakit sobrang inis sa akin ng editor ko.

Biglang nag sync in sa isip ko ang shape ng birth mark ko. Shape ng Ophiuchus? Omg. Ngayon ko lang to napansin. Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pangalan ko mula sa labas.

Binuksan ko ang pinto at bumulaga sa harap ko ang hindi pamilyar na mukha. Pero in-fairness, may hitsura rin. Hindi malayo sa mukha ni Beomgyu ng Kpop band na TXT.

"Sino ka?" taas kilay kong sabi at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Matangkad din.

"Pinapatawag ka ni Gemini," aniya at ngumiti, "Ako nga pala si Aquarius."

"Jia Chen," pakilala ko at matamis ngumiti nang sumagi sa isip ko si Gemini.

Sus, miss agad ako ng bebe.

Tumango muna ako at sumunod ako sa kaniya. Nakita ko ang isang parang kubo sa gitna ng tu. Nakaupo doon si Gemini pero tumigil din nang makita ako. Ngumiti siya dahilan para lumabas ang dimple sa pisngi.

May makipot itong tulay papunta doon. Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong sa tubig naglakad si. Dali dali akong lumapit para makita kung paano nangyari iyon pero agad siyang lumubog sa tubig nang makalapit ako. Basang basa tuloy siya.

Nang makarating ako ng kubo, nakita kong umiinom ng tsaa si Gemini. Nakita ko rin sa tabi nya yung isang instrument na maraming string.

Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang instrument.

"Woah, kailan ka pa natuto magpatugtog neto?" tanong ko at itinuro ang instrumento. Ano nga ulit 'to?

"Bata pa lang ako, alam ko na kung paano tumugtog ng gu zheng," saad niya at hinawakan ang teapot.

Nagsalin siya sa isang tea cup at iniabot sa akin. Tinikman ko naman ito.

"Matagal tagal na rin akong 'di nakakatikim ng tsaa," bulong ko at inamoy-amoy pa ito.

Napangiti lang siya. Ilang minuto pa ng pagku-kwentuhan namin ay mayroong mga babaeng tumungo sa direksyon namin dala ang iba't ibang uri ng masasarap na pagkain.

WAHH FOODS!

Kaagad ko itong nilantakan at nakita ko na naman ang pag-ngiti ni Gemini habang pinagmamasdan ako. Halos ako ata ang nakaubos ng pagkaing nasa lamesa.

Nakatingin lang sila sa akin at mukhang nagulat sa nakita nila.

"May sawa ka bang alaga sa tiyan mo?" tanong ni Aqua habang pinapatuyo ang mahaba at basang niyang buhok.

Base sa nakita ko kanina, kaya niyang kontrolin ang tubig. Nagkamali siya so ibig sabihin hindi niya pa rin gamay ang kakayahan niya?

"Mukhang malakas kang kumain ah." natatawang saad ni Tres na kararating lang at nakita ko ring napangiti si Gemini.

Tumayo ako sa pagkakaupo at tumingin sa tubig. Kinektado kaya 'to sa palasyo ng apoy? Pwede ko naman siguro languyin mula dito hehe.

Oo gano'n ako kadesperada.

"Anong iniisip mo?" saka ko lang napansin na kaming dalawa nalang pala ni Gemini rito.

"Uh, pwede ba akong magtanong?"

Marahan siyang tumango bilang tugon.

"May mapa ka ba ng buong Zodiac?"

"Bakit ka naman nagka-interes sa mapa?"

Ngumiti ako at pinagkrus ko ang dalawang index finger ko sa aking likod bago magsalita.

"Kase, alam mo na wala pa akong masyadong alam sa lugar na to. Para hindi na rin ako maligaw," pagsisinungaling ko.

"Hindi ka maliligaw , lagi ko nang ipapasama sa iyo si Aqua. Siya ang magsisilbing gwardya mo."

Kailangan ko pang makaisip ng palusot.

"Eh paano kung mapahiwalay siya sa akin?" ngumiwi ako at tumingin sa kaliwa ko.

Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin.

"Walang ibang pwedeng makakita ng mapa. Tanging kami lang ni Leo ang pwedeng makahawak at makakita ng mapang iyon," aniya.

Eto na eto na. Lumapit ako sa kaniya at ipinulupot ang aking kamay sa kaniyang braso. Taka siyang tumingin sa akin at binigyan ko naman siya ng isang matamis na ngiti.

"Promise. Hindi ko ipapagsabi. Hindi malalaman ni Leo 'to," sabi ko at itinaas-taas ang kilay ko.

Inalis niya ang pagkakahawak ko at huminga ng malalim.

"Bukod sa aming dalawa, ang kung sino pang makakaaalam ng mapang iyon ay mapaparusahan ng kamatayan," bigo niyang sabi.

Ganoon ba talaga ka-importante ang mapang iyon?

"Kung ganon, may kopya ka ba ng mapang iyon?"

"Nasa palasyo ng apoy. Doon nakatago ang mapang iyon."

Magsasalita pa sana ako nang ilagay niya ang palad niya sa ulo ko.

"Alisin mo nalang sa isip mo ang mapang iyon. Maghanda ka, pupunta tayo sa palasyo ng apoy."

Napangiti ako ng malaki at tumakbo papuntang kwarto ko tsaka naghanda. Kahit anong mangyari, kailangan kong makita ang mapang iyon. Malakas naman ang photograhic memory ko kaya sigurado akong maaalala ko iyon. Isa pa, ako ang gumawa ng mundong ito, 'yun nga lang e nalimutan ko na kung paano ko kinonstruct ang mga lugar dito.

Sumakay ako sa isang palanquin habang ang tatlo ay may tigiisang kabayo.

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon