Kabanata XV

3 0 0
                                    

Kabanata XV: Brainstorming

Pagkatapos ng tunggaliang iyon ay nanatili ang military token kay Leo. Hindi ko alam kung bakit biglang nabago ang ihip ng hangin sa taong iyon at biglang naging mala-anghel ang presensya. Hindi na rin muna ako pinaglinis at nanatili sa silid ni Mei Ren, ang kawangis ng bestfriend kong si Chuxia. Siya ang nag asikaso sa akin at nagbenda ng sugat ko.

"Sigurado akong may parusa sa inyo ang pinuno," mahinhin na sabi niya habang inaayos ang mga gamot na ginamit.

She's referring to Leo.

"Parusa nanaman." bulong ko at sumimangot.

"Magkakapatid ba ang labin dalawang pinunong iyon?"

She nodded, "Tinatawag silang mga anak ng langit."

I know this thing. In ancient china were it was in a state of monarch. Those sons of Emperor was known as the Sons of Heaven dahil naniniwala silang ang mga anak na ito ang itinadhana ng Diyos para mamuno sa buong bansa. It happened here.

"Magkakapatid sila sa ama pero magkakaiba ang kanilang mga ina. Ang totoong asawa ng dating tagapamuno ay ang ina ng pinuno natin ngayon na si Leo."

"Nasaan ang dating pinuno? P-patay na?" tanong ko.

Napangiti siya at marahang umiling, "Retiro na ang kaniyang ama sa pagiging pinuno. Nasa tamang edad na rin si Leo kaya ipanagkatiwalan na ang posisyong iyon sa kaniya."

Speaking of maraming asawa. Parang mga concubine ang ina ng ilang mga constellation owner. Geez, nakakatakot tuloy maging asawa ng isang tulad niya. Ang daming kabit. Hehe. Buti nalang labis ang galit sa akin ni Leo kaya imposibleng mapili niya ako sa lahat ng prinsesa ng bawat palasyo! Hays, ano ba 'tong mga iniisip ko.

"Nakakairita ang ugali ng lalaking iyon. Pakiramdam ko babalutin ng kadiliman ang buong Sodyak kapag tuluyan nang naging pinuno ng lahat ang lalaking iyon."

Narinig ko ang pagbungisngis niya dahilan para tingnan ko siya ng masama. Itinikom niya ang kanyang mga labi pero halata ang pagpipigil ng tawa. Seriously, pinagtatawanan pa niya ako sa lagay kong 'to. Haler! I'm serious here. Sana ikaw rin.

"Magkakilala na kami ni Leo simula pagkabata at naging mabuti naman siya sa akin. Dumating sa punto na gusto akong ipakasal sa kaniya ng kan'yang ina."

Tahimik ko lang tiningnan ang mga libro sa lamesa niya at hinintay lamang ang mga sasabihin niya. Dinampot ko ang isang libro at tiningnan ang bawat pahinang punong puno ng chinese characters. I bet it was all about the zodiac land. Mga dapat niyang malaman at imemorize as the future empress. Syempre, imposible pang mapili ang dalawang kapatid niya. Siya na ang pinakamatino sa pagpipilian ni Leo.

But, Chang Fei is still alive. Kailangan ko na talagang magbrainstorming ngayon para magkaroon ako ng plano sa mga susunod na mangyayari.

"Gusto mo ba si Leo?" out of the blue question.

Halos mabingi ako sa sinabi niya. Kahit minsan ay 'di ko inimagine na magkakagusto ako sa taong gustong-gusto akong mabura dito.

"Sinasabi mo ba na kung may gusto ako sa isang demonyo?" saad ko habang natatawa at ibinalik ang atensyon sa libro.

"Hindi naman siya tulad ng iniisip mo. Arogante, may mga malalamig na mata, halos hindi masilayan ang ngiti sa labi at seryosong tao siya pero hindi siya masama tulad ng iniisip mo. Sa totoo lang, hindi naman niya kagustuhan ang pagpaparusa sa'yo."

Napahinto ang mga mata ko sa isang chinese character at nilingon siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nagkataong dumating at narinig ng ina niya na ginalaw mo ang mapang iniingatan niya. Ayaw na sana niyang ipagbigay alam pa ito sa kan'yang ina pero nahuli na ang lahat. Sinubukan niyang pigilan ang kagustuhan ng ina pero wala na rin siyang nagawa. Siya rin ang dahilan kung bakit ka nandidito. Nagmakaawa siya at humingi ng tawad para sa kasalanang nagawa mo," paglilinaw niya

Halos malaglag ang librong hawak ko sa sinabi niya. Imposible. Gustong gusto niya akong mabura sa mundong 'to kaya imposibleng ang may mataas na pride na lalaking iyon ay hihingi ng tawad para lang sa akin. Palabas niya ba iyon dahil may kailangan siya sa akin? Alam na ba niyang ako ang constellation owner ng Ophiuchus?

Nagpaalam na sa silid si Mei Ren. Ngayon daw kasi ay bibisita muna siya sa kaniyang magulang kaya solo ko ang kwarto. Naglibot-libot ako saka kumuha ng ink, brush, at blankong papel.

Sinimulan kong isulat ang main plot ng istoryang ginawa ko.

Matagal-tagal pang hindi lalabas si Chang Fei. Sa mga darating na araw ay dito na kukuhanin ni Leo ang loob ni Jia. Dito na rin siya mahuhulog pero ang kaibahan, hindi ako si Jia kaya sorry ka. Hindi ka magtatagumpay!

Pero ano nga ba ang kailangan niya sa akin?

Binilugan ko ang salitang "intensyon" na nakasulat sa papel. Maaaring sa dalawang ito ang kailangan niya sa ngayon: ang kapangyarihan kong palakasin pa ang abilidad niya at itanong niya sa akin na kung saan matatagpuan si Chang Fei.

Napakunot-noo ako nang mabura ang mga sinulat ko sa papel. Nevermind, at least nakapag-brainstorm pa ako. Basta sa ngayon, hindi ako papabulag sa kaniya. Kailangan kong mabuhay rito para makabalik sa reyalidad. 

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)Where stories live. Discover now