⭐️Chapter1: Wattpad⭐️

4.1K 72 7
                                    

"Viceral! Ano ka ba naman! Five seconds nalang magbabalik na!" Sigaw ni Direk Bobet kay Vice na busy sa pagpho-phone.

"S-sorry direk! Kaloka kailangan talaga sigaw?!" Pabirong sabi ni Vice.

VICE's POV

Kaloka, karakaraka na akong tumakbo papunta sa stage. Aabutin pa ata 'to, rememberet! Horses are fast ika nga. Per waley, nag-iintro na sila bago ako makarating. Ka-jetlag naman nitey! Ang layo layo ba naman kasi ng Lounge dito sa stage. Ang layo tuloy ng tinakbo ko. Napatigil muna ako saglit dito sa may gilid at hinayaan ko muna silang mag -host. Hinahabol ko pa kasi ang hininga ko.

"Wala nanaman si Kuys! Mukhang jumebs nanaman! Hahaha!" Loko loko 'to si Billy! Sinisiraan nanaman ako sa harap ng camera!

"Hoy bully, andito ko!" Sabi ko habang papalakad sa gitna. Kahit papano napapagod rin pala ang mga kabayo. "Ikaw ha, nakaka-ilan ka na sakin." Pabiro kong sinabi kay Billy habang kinotongan siya.

"Kasi naman eh, may ka text nga!" Asar ni Vhong.

"Oo nga, sino yan ha?" Isa pa 'tong ngangabu na 'to. Sarap ipalamon ang mic sa bunganga niya eh!

"Yung totoo, pinagtutulungan niyo ako?" Sabi ko at naka-poker face. Sanay na talaga kami magkulitan on cam, sanay narin mapagalitan ni direk kapag nag oover time.

"Uy, high blood nanaman 'to si Brad oh! K hug mo nga." Sabi ni Vhong at tinuro si Karylle. Enebeh!

"Ay! Andyan pala si K?" Dinaan ko nalang sa biro, hindi kasi masyadong nagsasalita si K eh. Tumawa nalang silang lahat, minsan ayoko talaga nung jino-joke ung tungkol samin ni Karylle. Minsan kasi sumosobra na tapos, nahihirapan na akong kumontrol sa sarili ko.. Ano kasi, gusto kong umiwas pag dating dyan. A-ayoko kasing.. Ma-fall...

"Uy biro lang K! Love kaya kita!" Pambawi ko at inakbayan si Karylle. Normal lang naman samin 'to, walang malisya. Kasi nga ang alam nila. Bakla ako.

"Uy Vicerylle.." Sabi ni Billy, ngiting kilig nalang ako saka kami nagpatuloy sa pagtatrabaho bilang host hindi taga-chika.

.

.

Kakatapos lang ng showtime, ito nanaman ako. Walang magawa sa buhay. Inaayos ko na ang gamit ko para maka-uwi na agad, wala ako sa mood rumampa with the beks. Kabagot rin naman kasi ako lagi ang gumagastos! Siguro nga nauna na yung mga yun eh. Pano araw araw may uwing boylet. Buti ako wala.. Di, okay lang ako.. Oo, okay lang talaga. *sniff*

Loka, ang arte. Pero ayoko na ng boylet. Nauubos ang laman ng aking wallet. Pero kung may dadating naman at mamahalin ako ng hindi dahil sa pera, why not kulot. Pwede naman i'try di'ba?

Ang dami namang laman nitong bag ko. Loka loka kasi ang gagang si Archie, lahat na ata ng make up sa mundo inisuksok sa bag ko! Baklang y... "Ay kabayo ako!" Sigaw ko ng may kumiliti sa tagiliran ko mula sa likod.

"Hi pogi!" Jusmiyo si K lang pala akala ko kung sino!

"Kaloka ka K, ang layo ng Vice Ganda diyan sa pogi ah!" Biro ko at ibinalik ang nahulog na make up kit mula sa bag.

"Haha, eh kasi pogi ka naman talaga eh! Pogi, sayang bakla." Asar niya. Tumawa apnalang ako saka umiling.

"Tigilan mo ako kurba ah, pag ako na tboom sayo sinasabi ko.." Banta ko, pero siyempre joke lang 'yon. Hindi hindi ako maiinlababo sa merlat! Pero crush pwede pa. "Ba't ka nga pala napadaan dito sa DR ko aber?"

"Wala lang, ayaw mo ba?" Kunwari'y nagtampo pa si Kulot!

"Hoy kulot. Wag kang pa-pout pout dyan. Mamaya halikan kita dyan eh!" And again, I joked. Joke! Keri ko kayang halikan si Kurba!

Nang Dahil sa Wattpad|| Vicerylleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن