Chapter 41

3K 101 28
                                    

Chapter 41

I was staring at the invation I was holding. Isang wedding invitation. Naipadala ko na ang iba noong isang linggo pa at iyon lang ang kopyang naiwan sa akin. Nagpadala din ako sa e-mail.

Imbetasyon iyon para sa kasal namin ni Darwin na magaganap dalawang buwan mula ngayon. Napangiti ako habang nakatitig sa maganda at mukhang mamahaling papel na ginamit.

Isang taon matapos akong grumaduate ay umuwi na ako dito sa Isabela. Mag-iisang taon na rin ako dito. Nagtratrabaho ako dito sa munisipyo. Hindi ko naipasa ang board exam. I tried once but I failed. Hindi ko na inulit. I was thinking kung magrereview ulit ako.

Sinulyapan ko ang resignation letter ko katabi ng wedding invitation. Balak kong ibigay mamaya kay mayor. Balak ko rin kasing magtabaho sa Manila. Nandoon din kasi sila Mama. Minsan ay umuuwi sila dito at umaabot sila ng linggo dito.

Bahagya akong nagulat nang mag-vibrate ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita kong tumatawag ni Jellice.

"Ikakasal ka na?!" Pasigaw na bungad niya. Sigurado akong natanggap niya ang invitation. Agad kong inilayo ang cellphone ko mula sa tenga ko bago ko ibinalik.

"Hindi ako bingi. Muntik na akong mabingi doon ah." Sabi ko sa kanya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" Sigaw ulit niya. Natawa ako.

"Oo, ikakasal na ako." Nakangiting wika ko. Hindi siya umimik sa kabilang linya. Maybe she's still processing it.

"Ipinadalhan ko rin si Vangie, kaso e-mail. Baka hindi pa nababasa kasi nauna kang tumawag." Sabi ko ulit.

"Talagang ikakasal ka na?" Muli akong napangiti nang marinig ko ang pagdududa sa tinig niya.

"Yep. Actually, galing kaming Baguio noong weekend para tumingin ng bulaklak. may nahanap naman kami. Gusto ko kasing punong-puno ng bulaklak ang simbahan." Masiglang wika ko. Muli siyang natahimik sa kabilang linya.

"Si ano.. Pinadalhan mo rin ba siya ng invitation?" Tanong niya. Alam ko naman agad kung sino ang tinutukoy niya.

"Oo naman. Ayos lang naman kay Darwin." Lumawak ang ngiti ko. "Tanungin mo kay Vangie kung makakapunta siya. At Oo nga pala may special na ganap kayong dalawa sa kasal. Isa sana sa inyo ang maid of honor kaso nasabihan na ni Darwin ang pinsan niya. Kaya may special na lang kayong ganap. Yellow green dapat ang gown niyong dalawa ni Vangie. Kahit hindi pareho ang design. Wala kasi ako ng bagong number niya para ma-contact ko. Iyong email niya lang kaso di ata nag o-open iyon ng email." Mahabang sabi ko.

"Sige, subukan kong tawagan." Nagkuwentuhan kami nang marinig ko sa kabilang linya ang boses ng mga anak ni Jellice kaya nagpaalam na siya. Tatawang na lang daw ulit siya.

Isinilid ko sa bag ko ang invitation letter bago ako tumayo at dinampot ang resignation letter ko. Tumayo ako at tinungo ko ang office ni mayor.


"Riam, uuwi ka ba dito?" Tanong ni Mama mula sa kabilang linya.

"Opo, inaprobahan ni mayor ang resignation letter ko last week. Naayos ko naman na lahat ang dapat ayusin kaya wala nang problema." Sabi ko.

"Kumusta ang prepasayon ng kasal?" Muling tanong niya. Kaya napangisi ako.

"Maayos naman, Ma. Punta ako diyan next week."

"Magpapada ako ng pera para gamitin sa kasal. Pandagdag."

"Meron pa naman, Mama. Saka sila Darwin naman bahala sa gastos." Sabi ko.

"Hayaan mo na para kung sakali man na may mga kailangan pa ay mabili na." Sabi niya. Na sinangayunan ko rin. Marami pa siyang tinanong at sinabi bago nagpaalam.

RhapsodyWhere stories live. Discover now