Chapter 26

4K 153 8
                                    

Chapter 26

Namumula ang buong mukha ko habang naka-upo sa gilid ng kama. Samantalang si Kelvin ay nakatitig ito sa akin habang kumakain. Hindi ko tuloy siya matignan ng diretso. Nakakailang.

Gosh! Kasalanan ng damuhong nasa gilid.

"Try to relax, Mi Cielo." Tinapunan ko siya ng tingin na agad ko ring binawi. "Mukha ka nang kamatis."

Napatuwid ang likod ko sa narinig. Narinig ko siyang humagikgik. Tinignan ko siya ng nakakamatay na tingin. Nginisihan lang ako ng walanghiya.

Wala talaga siyang hiya! Sabihin ba naman sa akin na ako ang iniisip habang ginagawa niya iyon?! My goodness talaga... Bastos. Manyak.

Ako tuloy ang nahihiya dito. Buwisit.

"Mi Cielo, gusto mong ituloy natin ang naudlot kanina." Nang-aakit na wika niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at naniningkit ang matang binalingan ko siya.

"Neknek mo!" Bago ako lumabas sa silid ay narinig ko ang mahinang tawa niya. Pinagtri-tripan talaga ako ng loko.

At isa pa hindi ako puwede ngayon. May dalaw ako...


Dumiretso agad ako sa loob ng banyo pagkapasok ko sa kuwarto ko. I took a shower. Habang nasa ilalim ako ng shower ay saka naman naging malikot ang imahinasyon ko.

Ini-imagine ko si Kelvin habang ginagawa ang bagay na 'iyon.' Wahh! This is bad! Nagka-virus na nang tuluyan ang utak ko...

Ipinilig ko ang ulo ko at mabilis kong tinapos ang pagsho-shower. Tsk! Bad influence talaga ang lalaking iyon. Nagiging manyak na ako.

Nakabihis na ako at handa nang matulog nang maka receive ako ng text message galing kay Kelvin.

From: Kelvin

Good night, Mi Cielo. I love you.

Napangiti ako nang mabasa ko iyon.

Maloko si Kelvin. Manyak. At higit sa lahat sweet, hindi nakapagtatakang nahulog ako sa kanya. Marami man siyang ugaling ayoko ay mas marami naman ang ugaling gustong-gusto ko sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong replyan siya.

To: Kelvin

I love you too. Good night. :)

Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa kilig.


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay sa baba. Mukhang nandito na ang mga pinsan ko at mukhang may pinagkakaguluhan sila sa baba.

Pagkabangon ko ay dumiretso na ako sa banyo. Mabuti at may sarili akong banyo dito sa loob ng kuwarto ko.

Habang naghihilamos ako ay saka ko lang naalala si Kelvin. Dali-dali kong pinatuyo ang mukha ko gamit ang isang bimpo. Lumabas na ako ng kuwarto ko pagkatapos. Baka mamaya siya pala ang pinagkakaguluhan sa baba.

Tama nga ako. Pagkababa ko ay naabutan ko si Kelvin na nakaupo sa sofa. Nakapalibot naman dito ang limang mga pinsan kong mga lalaki.

"Good morning!" Masiglang bati ko sa kanilang lahat. Napalingon silang lahat sa direksyon ko. Kitang-kita ko ang pagngiti ni Kelvin pagkakita sa akin.

RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon