Chapter 9

4.1K 138 5
                                    


Chapter 9

      Halos dalawang buwan na rin ang nakakalipas simula ng sabihin ni Kelvin na manliligaw siya sa akin. Sa mga panahong iyon ay tatlong beses ko lang siyang nakaharap.

Palagi siya sa bahay ngunit palagi ko siyang pinagtataguan. Kapag pinipilit lang ako ni papa at wala na akong kawala ay doon ko lang siya hinaharap.

Hindi ko rin masyadong nasusubaybayan si Pierre sa school dahil na rin kay Kelvin. Pumupunta rin kasi siya sa university. At syempre dahil ayaw ko siyang makaharap ay umuuwi ako ng maaga.

Naiinis ako kapag nakita ko ang pagmumukha niya. Kumukulo ang dugo ko. Idagdag mo pang malapit na siyang mag trenta. Matanda na para sa akin kahit hindi naman halata sa hitsura. Basta ayoko sa kanya.

Nakatitig ako sa kawalan. Habang nakaharap ako sa makapal kong libro. Nagulat ako nang may nagsalita.

"Merriam, hindi mo ba haharapin ang bisita mo?" Wika ni papa na nasa may pinto ko na pala.

"Busy po ako. Paalisin ninyo na lang."

Bakit hindi na lang kasi siya umalis... Obvious naman na ayaw ko siyang harapin.

"Palagi na lang na iyan ang sinasabi mo. Eh, wala ka namang ginagawa. Nakatunganga ka lang diyan..." I rolled my eyes. Mabuti at naka-side view ako kaya hindi niya nakita. Siguradong papagalitan niya ako. Hinarap ko si papa at napansin kong nakabihis siya.

"Pa, naman." Reklamo ko.

"Babain mo na." Utos ni papa sa tonong hindi ko matatangihan. Napabuntong-hininga ako. No choice...

"Bababa na po." Nakasimangot kong wika.

"Bilisan mo. Kanina pa 'yun dito. Aalis kami ng mama mo." Pagkasabi niya nu'n ay umalis na si papa. Ngunit muli itong humarap. "Siguraduhin mo lang na bababain mo."

"Opo." Hindi ko na napigalan ang mapairap. Ano bang meron doon sa lalaking iyon at pumayag si papa na ligawan ako. At obligado pa akong babain siya. Kainis!

Wala akong nagawa kundi mag-ayos. Hindi ko na pinalitan ang pambahay ko... short at maluwang na t-shirt. Nag powder lang ako. Pagkatapos ay walang kabuhay-buhay na bumaba.


Naabutan ko si Kelvin na mag-isang naka-upo sa sala. Habang papalapit ako sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. He's wearing a black polo shirt and jeans. Guwapo talaga ang bakulaw. Kahit naka-upo ay hindi maikakailang maganda ang tindig kapag nakatayo.

Lumiwanag ang mukha niya nang makita niya akong papalapit. Ngumiti siya sa akin. And suddenly my heart beats faster than normal. Napakunot noo ako dahil doon.

"Hi!" Masigla niyang bati. Kabaliktaran naman ako.

Naupo ako sa sofang katapat ng inupuan niya. Tinitigan ko siya.

"Umalis ang parents mo kanina. May lakad yata." Sabi niya nang nanatiling nakatitig lang ako sa kanya.

"Sinabi ni papa sa akin kanina." Walang gana kong sagot. Napakagat-labi siya, pagkatapos ay yumuko.

"Kumusta si Vangie?" tanong ko. Ayokong itanong kung kumusta siya. Dahil wala akong paki sa kanya... Sa totoo lang

Nag-angat ito ng tingin.

RhapsodyWhere stories live. Discover now