Chapter 27

3.9K 163 19
                                    

A/N:

Dahil sa sobrang sipag ko. Ngayon lang ako makakapag-update. ito na. Enjoy! 

-----------

Chapter 27

Tinitigan ni Lola si Kelvin na hanggang nagyon ay mukhang bad trip. Hindi ko siya matignan ng diretso. Kasi naman e, ang sama ng tingin. Ano bang ginawa ko?

Naghila si Lola ng upuan. Umupo siya sa tabi ko. At nakatuon pa rin ang atensyon nito kay Kelvin. Sinisipat. Mukhang napansin iyon ni Kelvin, nahalata ko kasing medyo kinabahan siya.

"Magandang umaga po." Nakangiting bati ni Kelvin kay Lola.

"Ikaw ang boyfriend nitong apo ko?" Pormal na tanong ni Lola sa kanya. Napalunok ako. Ayaw niya ba kay Kelvin?

"Opo. I'm Kelvin Casimiro Orriano." Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa tabi ni Lola. Nakangiting kinuha nito ang kamay ni Lola na at hinalikan ang likod ng palad.

Sa ginawa niya ay unti-unting napangiti si Lola. Nakalimutan kong masyado palang romantic si Lola. Natatandaan ko pa noon na palagi niyang ikinukuwento ang ang unang nilang pagkikita ni Lolo. Ewan ko kung saan doon sa barilan ang romantic.

Noong dalaga pa kasi si Lola ay mahilig daw siya sa mga adventure. Kabliktaran siya sa mga mahihinhin na mga dalaga noon. At dahil sa hilig niya sa adventure ay ayon. Nabihag siya ng mga rebelde. Unang makilala niya si Lolo nang iligtas siya nito mula sa mga kamay ng mga rebelde.

Kahit ulit-ulitin niyang ikuwento ay hindi ko malaman kung saan doon ang romantic. Muntik na kaya siyang mamatay. Paano nanging romantic iyon? Sabagay, hindi ko naman alam ang delayadong nangyari. Baka nga may romantic talaga doon.

"Ang sweet naman palang bata ito." Nakangiting saad ni Lola.

"Lola, hindi 'yan bata. Matanda na iyan. Mas matanda nga kay Kuya Zean e." Napabaling si Lola sa akin. Nakita kong sumimangot si Kelvin sa sinabi ko. Bumalik siya sa inupuan niya kanina.

"Akalain mo nga naman." Sabi ni Lola. "Akala ko ay ayaw mo sa lalaking malaki ang agwat ng edad sa'yo. Doon ka rin naman pala babagsak." Natatawang wika ni Lola. Napanguso ako sa winika niya.

"Bagay kayo ng apo ko." Baling ni Lola kay Kelvin. "Mas maputi ka rin pala kaysa sa kanya." Napaismid ako sa sinabi niya.

"Lola, huwag na ninyong ipamukha sa akin na hindi ako maputi. Nakakasakit na kayo ng damdamin alam mo ba iyon?" Nagdra-dramang wika ko.

Hindi na nila kailangang ipamukha sa akin iyon dahil may mata naman ako para makita na mas maputi talaga siya sa akin.

"Pero bagay kayo ha." Dagdag ni Lola na ikanakamla ko. Mabuti naman may pampalubag loob.

Mukhang nagustuhan rin ni Kelvin ang sinabi ni Lola dahil ang laki ng ngisi niya.

"Bagay na bagay talaga kami, Lola." Sabi pa niya.

Nagkuwentuhan kaming tatlo hanggang sa hindi namin namamalayan kung ilang oras na kami sa komedor. Natigil lang nang dumating sina Mama at mga pinsan ko na nagugutum na raw sila.

 

Pagkatapos naming kumain ay dumating ang sinasabi ni Lola na bisita ko. Si Darwin. Huli na para umatras dahil nakita niya akong lumabas mula sa komedor.

RhapsodyWhere stories live. Discover now