Chapter 10

4.4K 143 7
                                    

Chapter 10

     Habang kumakain kami ay nagre-reply pa rin sa utak ko ang mga mata ni Kelvin kanina. Gusto ko nang batukan ang sarili ko. Bakit ko ba iyon pinro-problema? Di ba nga wala akong pakialam sa kanya?

Nag-angat ako ng tingin nang tumikhim siya.

"Bakit?" Tanong ko ngunit wala yata siyang balak magsalita dahil nakatingin lang siya sa akin. Inaarok kung anong iniisip ko.

"Balik na ba tayo sa bahay pagkatapos nating kumain?" muling tanong ko sa kanya.

"You decide..."

"Tutal may sasakyan ka naman. Huwag muna. Mamasyal muna tayo." Nakangiting sabi ko. Pero naisip kong baka may gagawin pa siya. Kaya agad kong dinugtungan. "Kung okay lang sa'yo."

"Okay lang..." Sa sinabi niya ay mas lalo akong napangiti.

Maganda rin 'yung minsang nagre-relax ang utak ko. Baka mamaya ay makalimutan ko ang mga nireview ko kapag nai-stress ako. Sayang lang...

"Vangie told me that your whole name is Merriam Elise Zandre." Tumango ako. At nag-isip ng sasabihin.

"Ikaw? Anong second name mo? Ang second name ni Vangie ay Carria. Pierre is Carlos. Sigurado akong pati ikaw ay meron." Ngumiti ito sa akin.

"Casimiro. My whole name is Kelvin Casimiro Orriano." Napangiti ako dahil inilahad nito ang kamay niya sa akin. May ganito?

"Nice meeting you Kelvin Casimiro. I'm the one and only Merriam Elise Zandre." Nakangising wika ko bago ko inabot ang nakalahad niyang kamay.

Muntik na akong mapasinghap ng maramdaman ko ulit ang naramdaman ko nang mahawakan ko ang kamay niya nang minsang mag shopping kami nina Vangie kasama siya two months ago.

Pinilit kong ipanagwalang bahala iyon. Dahil wala lang naman iyon. Wala lang talaga.

"Nice..." He grinned. Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya at nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari.



Pagkatapos nga naming kumain ay gumala kami. Siya ang nagmamaneho kaya siya ang may alam kung saan kami tutungo. I'm so excited. Kita ko kasi sa ngiti niyang mukhang magada ang pupuntahan namin. Hindi kasi mapuknat ang ngiti nito sa kanyang mga labi.

"Maganda ba sa pupuntahan natin?" I asked. "Kanina ka pa kasi ngiti ng ngiti."

"Hindi dahil sa pupuntahan natin. Kundi dahil sa kasama kitang pupunta doon." Anya.

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Nangiti-ngiti at naiiling na lang ako. Siomai! Bakit ako kinikilig?! I can't help it. Kinilig ako sa sinabi niya...


Akala ko ay sa isang mall kami mamasyal, dahil iyon lang naman ang alam kong puwedeng puntahan. Ngunit nagkamali ako.

Napakunot-noo ako nang tumigil ang sasakyan ni Kelvin. Ang lugar na kinaroroonan namin ngayon ay malayo sa siyudad na maraming mga sasakyan at mga building. Dito? Kabaliktaran, dahil puro berdeng damo ang nakikita ko at mga burol.

"Dito tayo?" Namamanghang tanong ko. Hindi makapaniwala.

"Yup..." Masiglang sagot niya bago bumaba ng sasakyan.

RhapsodyWhere stories live. Discover now