Chapter 30

3.8K 126 18
                                    

Chapter 30


Matalim na tingin ang ibinigay ko kay Jack na nakangising nakatingin sa akin. Pagkalabas kasi namin ay agad niyang ibinalita sa iba pa na bibilhan siya ng Ducati ni Kelvin. Ang sarap niyang lunurin sa totoo lang. Hindi na nahiya.

Ako ang nahihiya sa pinagagawa nila.

At isa pa itong si Kelvin. Hindi man lang makahalata. Ayan tuloy pati ang ibang pinsan ko ay makakapal ang mukhang nagpabili. At isa pang ikinaiinis ko ay pati si kuya Zean. Akala ko ba ayaw niya kay Kelvin? Grrr...Nakaka high blood!

"Bakit ka pumayag sa mga gusto nila?" Sita ko kay Klevin nang makasakay na sa sasakyan ang mga pinsan ko. Susundan kami namin sila at sa Ducati kami sasakay.

"What's wrong with it?" Inosenteng tanong niya. Mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa isinagot niya.

"Anong what's wrong with it?! Ewan ko sayo!" Inis ko siyang tinalikuran. Nagmarsta akong lumapit sa kinaroroonan ng Ducati.

"Mi Cielo..." Hinuli niya ang braso ko at pinaharap sa kanya. Masuyo niyang hinalikan ang noo ko. Wala akong reaksyon sa ginawa niya.

"Gusto ko lang namang gumaan ang loob nila sa akin. Especially, Zean. You see, he don't like me. Boyfriend mo ako at gusto kong magustuhan ako ng lahat ng kamag-anak mo." Maalambing wika niya sa akin.

Lumambot naman ang puso ko sa sinabi niya.

"Nag-aalala lang naman ako na baka maubos ang pera mo." Sabi ko na ikinatawa niya. Anong nakakatawa doon? Concern lang naman ako... Pinaghirapan niya iyon tapos mawawala lang ng ganun-ganun lang? Paano na ang future namin? Paano na ang magiging anak namin kapag wala na siyang pera?

Natigilan ako. Teka nga, bakit ba ako Napunta doon?

"Wala iyon. I have billions of it." Mayabang na wika niya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko maghihirap na siya. Nakalimutan kong nagmamay-ari pala ito ng maraming malls.

"Yabang..." Irap ko. Eh di siya na mayaman. "Halika na nga, naka-alis na sila."

Tumatawang ibinigay niya ang isang helmet sa akin. Padabog ko iyong kinuha. Siya ang nagkabit ng helmet sa ulo ko pagkatapos niyang isuot ang kanya.

Nagdadabog pa rin ako nang umupo ako sa likuran niya. Naramdaman kong tumawa siya nang mahigpit ko siyang yakapin.



Nangigigil ako habang nakatanaw sa pares na nag sasayaw sa so called dance floor o salonan. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay siguradong kanina pa tigok ang magkaparehang sumasayaw doon.

Ang babae ay akala mo naman sawa kung makayakap sa walang hiyang lalaki. Pero sige... tutal naman ay mukhang ilang na ilang ang lalaki ay hindi na siya walang hiya.

Kaninang makarating kami dito ay tulad ng inaasahan ay kay Kelvin ang atensyon ng halos lahat ng kababaihan. At nakakabanas iyon. Hello? Invisible ba ako? Kailan pa?

Imbes na makipag sayaw ang mga pinsan ko para naman hindi lang kay Kelvin ang atensyon nila. Ayon sila, binabantayan ang Ducati. Kulang na lang ay iyon ang pag- agawan nilang isayaw. Sarap nilang hambalusin...

Ang babae namang pinapatay ko na sa isip ko na kung makaasta ay pag-aari niya ang boyfriend ko ay ang walang hiyang pinsan ko! Gosh! I hate her!

RhapsodyWhere stories live. Discover now