Chapter 22

3.9K 139 7
                                    

A/N: Dahil sa kakapanood ng horror. Imbes na romance ang isipin ko ay iyong pinanood ko. Katakot... Kaya sorry.. At ngayon lang... Hehe..



 Chapter 22


"Sa wakas natapos na rin ang mga pahirap ko!" Sigaw ko pagka-uwi ko. Galing akong school. At katatapos lang kanina ang huling subject na in-exam namin. Confident akong makakapasa ako. Magaling magturo ang tutor ko e.

Hindi ako sinundo ni Kelvin. Nagpasabi naman siya na hindi niya ako masusundo dahil may gagawin siya ngayon. Hindi na ako nagtanong kung ano 'yun.

"Narinig ka na ng kapitbahay." Nakita ko si Mama na sumilip mula sa kusina. Nag-peace sign ako sa kanya.

Aakyat na sana ako sa kuwarto ko ng senyasan niya akong lumapit sa kanya.

"Anak, punta tayong Isabela bukas ng hapon. May sakit ang Lola mo at gusto ka raw niyang makita."

"Ma, ayok—" She cut me.

"Sasama ka." Pinal na sabi niya. Napanguso na lang ako. Ayokong sumama. Baka kasi may naghihintay na date ako doon.

"Matanda na ang Lola mo, Riam. Pagbigyan mo na." Hindi ako sumagot. Mas lalo lang akong napasimangot.

Naisip kong may sakit si Lola. Hindi naman siguro niya akong mai-match make sa kung sino-sinong pontio pilato diyan. Sige na nga... Baka kasi sumama ang loob kapag hindi ako pupunta kasalanan ko pa kapag lumala ang sakit niya.

"Okay po." Labag sa loob kong sabi. Close kami ni Lola. Ang ayaw ko lang ay iyong inirereto niya ako sa anak ng kaibigan niya. Duh! Ang tatanda na kaya nila. Mabuti sana kung mga apo.

Naisip ko din ang trabaho ko sa Sunday. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw sumama. Sayang din 'yun.

Hindi ko pa kinukuha kay Kelvin ang suweldo ko sa kanya noong Wednesday. Baka kasi magastos ko. Mahirap na...


"Ma, paki tawag ako kapag kakain na ng hapunan. Aakyat na ako sa kuwarto ko." Sabi ko kay Mama na nagluluto habang kausap niya si tita Eleonor sa phone. Ang nakakabatang kapatid niya.

"Sige, anak." Sagot niya saka muling hinarap ang paghihiwa. Tutulungan ko sana siya kaso sabi niya na huwag na daw. May kausap kasi siya. Kapag tumutulong ako sa pagluluto niya ay marami akong tanong. Paano ba 'to? Paano 'yan? Ganito ba ang tamang hiwa? Mga ganoon na tanong. Naiinis na rin ako sa sarili ko. Hindi kasi ako matuto-tuto.

Umakyat na ako sa kuwarto ko. Naisipan kong tawagan si Kelvin para sabihin na hindi ako makakapaglinis sa Linggo.

"Mi Cielo..." Bahagyang hinihingal na bungad niya. Ano bang ginagawa niya?

"Busy ka?"

"No..." Sagot niya.

"O, bakit hinihingal ka?" Kunot-noong tanong ko.

"Galing kasi akong kusina."

"Ah... Tumawag ako para sabihing hindi ako makakapu—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa narinig ko sa kabilang linya.

"Kelvin! Iyong niluluto mo!" Sigaw ng kung sino sa background. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko ng makilala kong babae ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

RhapsodyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ