Chapter 29

3.7K 138 16
                                    

A/N: Alam kong nakakainis dahil sobrang tagal... Hindi ko na nga ma replyan ang mga comment ninyo dahil nahihiya talaga ako... Haha peace tayo... 



Chapter 29

Humiwalay nga kami sa mga pinsan ko pagdating namin sa Lungsod ng Santiago. Naglibot kami at tumingin ng mga panindang bigbike. He let me choose.

"I trust your judgement." Sabi niya. Ano kaya kung kulay pink ang piliin ko? Okay lang sa kanya?

Nagsimula na akong tumingin tingin sa mga bigbike. Nilingon ko siya nang may maisip akong itanong sa kanya.

"Pagbalik ba natin ng Manila. Sasakay tayo sa motor na bibihin mo?" Tanong ko. Hindi naman puwedeng isakay sa loob ng bus.

"No. Iiwan natin sa bahay ninyo. It is yours." Sagot niya na ikinalaki ng mata ko. Di nga? Akin talaga? Walang halong biro?

"But of course I won't let you drive." Dagdag niya.

"Hindi rin naman ako marunong no'. Pero seryoso, akin na talaga?" Tumango siya. Ngumiti ako sa kanya.

"Ang mahal kaya." Sabi ko sa kanya.

"Mas mahal kita." Sabi niya, saka ako kinindatan. Deym man! Kinikilig ako! Tumukhim ako at kunwaring busy sa pagpili.

Napasimangot ako nang makita ko sa di kalayuan ang ilang babaeng empleyadong halatang-halata na pinagnanasaan ang boyfriend ko.

Binalikan ko si Kelvin na busy sa pag-inspekyson sa ibang mga panindang big bike. Niyakap ko siya sa kanyang beywang. Awtomatikong pinalibot niya ang mga braso niya sa akin.

"May napili ako doon." Malambing na sabi ko. Gusto ko ring ipakita na may nagmamay-ari sa kanya. At ako lang iyon wala nang iba.

"Really? Tignan natin..." Hinila niya ako sa pinangalingan ko. Totoo niyan ay wala pa talaga akong napipili. Sabi ko lang iyon.

"Ito.." Turo ko sa red na motor. Napangiwi ako nang makita kong pambabae iyon. Hindi yata kami kasyang dalawa. Baka masira pa kapag sumakay siya. Nice choice, Riam!

"Are you sure?" There is amusement in his voice.

"Cute siya. Kaso huwag na lang." Mabilis kong bawi.


Ang napili ko ang kulay itim na bigbike. Astig sa paningin ko. Madalas na nakikita ko sa mga sosyal na action movies.

"Gagamitin ulit natin kapag babalik ulit tayo dito." Sabi niya.

"Ay gusto ko 'yan!" Mas gusto kong umangkas kaysa sa magdrive. Lalo na kung siya ang magdri-drive. Libre haplos sa abs... At gusto ko rin ang ideyang babalik kami ulit dito.

Naiimagine ko na ang sarili kong angkas ni Kelvin. Napangisi ako. Siguradong maraming maiingit. Bwahahaha...

"Why are you smiling?" Kunot noong tanong niya. "Sa kalse ng ngiti mo ay mukhang may hindi maganda kang iniisip."

"Wala no'." Ngisi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Halatang hindi naniniwala.

Matapos lahat ng kailangan niyang pirmahan ay lumabas na kami sa establishment. At naghihintay na sa labas ang bigbike na binili ni Kelvin.

RhapsodyWhere stories live. Discover now