Chapter 34

3.8K 127 19
                                    

Chapter 34

Nang magising ako ay nakahiga ako sa isang malambot na kama. Hindi ganito kalambot ang kama ko, kaya alam kong wala ako sa kuwarto ko.

Saan ba ako hinatid ni Kelvin? Tanong ko sa isip ko.

Doon ko lang napansin na gabi na pala nang makita nakabukas ang kurtina ng floor-to-ceiling na transparent glass. Iginala ko ang mata ko sa kabuoan ng kuwarto. I was in Kelvin's room. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at naupo.

Nagpasya akong tumayo mula sa kama para tignan kung saan si Kelvin. Lumabas ako ng kuwarto. Naglalakad ako sa hallway ng may marinig akong boses na nag-uusap sa pintong katapat ko. Hindi ko na sana papansinin kung hindi ko lang narinig ang boses ni Kelvin na tila galit.

Lumapit ako sa nakaawang na pinto. Dahan-dahan ko iyong itinulak. Sinilip ko kung sino ang kausap ni Kelvin. Bago ko pa magawa ay narinig ko ang nakakatakot na sigaw ng Daddy nila.

"What did you say?! You don't want to marry Cindy?!" Sigaw nito. Agad na nagsink-in sa akin ang sinabi ng Daddy nila? Kasal? Sino ang kausap nito? Si Kelvin ba?

Kaya imbes na umalis ay tila natuod ako doon at nakinig sa malakas na pinag-uusapan nila.

"I told you, Dad. May girlfriend na ako. I can't marry someone that I don't love." Matigas na wika ni Kelvin. Mukhang dalawa lang silang nag-uusap sa loob.

"Love?" Tila nanunuyang ulit ng tatay nila. "Kailan pa naging bukabularyo mo ang salitang pag-ibig? You played around. Iba-iba ang kasama mong babae." May mga sinabi pa ito sa salitang Spanish na hindi ko naintindihan.

"I love my girlfriend. I love Merriam." Mahinahong sabi ni Kelvin sa ama.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil sa narinig kong sinabi niya, ngunit kapag naiisip kong ayaw sa akin ng Daddy niya at gusto nitong magpakasal sa iba ay nangingitngit ako. Parang gusto ko tuloy sigawan si Kelvin. Bakit niya pa ako niligawan kung ikakasal na pala ito sa iba?

Namayani ang katahimikan. Hindi ko narinig na nagsalita ang Daddy nila.

"I'm sorry, Dad." Narinig kong wika ni Kelvin.

Bago pa ako pakalayo sa pinto ay bumukas iyon. Tumambad sa akin si Kelvin. Nagulat ito nang makita ako at daig pa ang nakakita ng nakakatakot na multo na kulang na lang ay magsisisigaw.

"M-Mi Cielo." Pinukol ko siya ng matalim na tingin. Agad siyang namutla.

"Let me explain, please."

Walang imik ko siyang tinalikuran at naglakad pabalik sa kuwarto niya. Hinintay ko siyang pumasok. Bagsak ang balikat niya at nagmamakaawa ang kanyang mga mata.

Humalukipkip ako at pinagmasdan siyang maigi. Kung hindi ko lang narinig ang mga sagot niya ay aawayin ko talaga siya.

"Explain." Sabi ko. Mabilis siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Napairap na lang ako. Ang sabi ko explain hindi yakap. Tsk!

"You scared me..."

"My grandfather..." Simula niya. " Ipinagkasundo ako." tila nagsusumbong na wika niya. "Ayoko. Ikaw ang gusto kong pakasalan." Sabi niya. Nakaramdam ako ng ginhawa sa sinabi niya, ng assurance na ako lang.

Marami pa siyang sinabi tungkol sa kasal na sinasabi ng Daddy nila. Sabi niyan na ang Lolo niyang nasa Spain dahilan at hindi niya pa iyon malalaman kung hindilang sinabi ng Daddy nila. Plano niyang pumuntang Spain para kausapin ang Lolo nila. Kausapin niya daw itong ang pinsan na lang nila ang ipakasal, huwag siya because he already have me.

RhapsodyWhere stories live. Discover now