Chapter 5

4.4K 145 7
                                    


A/N: Ito na ang kasunod...


Chapter 5

"Wahhh! Mama... ang sakit talaga." Naiiyak na sabi ko kay mama habang hawak ko ang ice pack na nakadikit sa kanang pisngi ko.

"Tiisin mo lang. Ikaw naman kasi. Sino ba kasing nagsabi na ubusin mo ang minatamis na pasalubong namin?"

Kahapon lang sila dumating. Hindi ko inaasahan ang pagdating nila dahil hindi naman sila nagpasabi na uuwi sila. May pasalubong silang puro pagkain na matatamis. Pinapak ko naman lahat. At ang resulta ngayon masakit ang ngipin ko!

Kasalanan ng Kelvin na iyon eh... Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko sana ibabaling sa pagkain ang inis ko sa kanya.

"Sabi namang ipabunot na lang natin." Sabi naman ni papa na prenteng nagbabasa ng diyaryo. Hindi alintana sa kanya na halos gusto ko nang magwala sa sakit na nararamdaman ko.

Matagal na itong letseng ngipin na ito kaso natatakot akong magpabunot. Takot ako sa karayom!

"Ayoko po!" Tanggi ko na may kasama pang iling.

"Bahala ka..." Kibit-balikat na wika ni papa at muling itinuon ang pansin sa diyaryong binabasa.

Naluluhang humarap ako kay mama. Inabot ko mula sa kanya ang pain killer at tubig na iniaabot nito sa akin.

"Ipabunot mo na kasi 'yan. May anestesia naman eh. Hindi masyadong masakit." Iyon na nga Syringe ang kinalalagyan ng anestesia na iyon! Wala bang anestesia na ipinapahid lang?

"Ma naman eh. Natatakot ako." Wika ko pagkainom ko ng gamot na ibinigay nito. Muli kong inilagay ang ice pack sa pisngi ko na namamanhid na dahil sa lamig.

"Samahan ka namin ng papa mo. Kaysa naman sa palagi mong idadaing ang pagsakit ng ngipin mo." Hinaplos ni mama ang buhok ko.


Matapos ang ilang oras ng pilitan ay sa wakas ay napilit din ako ni mama na magpabunot ng ngipin. Ito ang pangalawang pagkakataon na magpapabunot ako ng ngipin. Noong una ay nu'ng bata pa ako at hindi ko pa masyadong mamaalala iyon. Hindi ko na nga maalala kung gaano kasakit.

At gaya nga ng sabi ni mama ay sinamahan nila akong dalawa ni papa. Nakakatawa. Ang laki-laki ko na pero takot pa rin ako sa karayom. May escort pa ako, daig ko pa ang bata.

Konti lang ang pasyente ng makarating kami sa dental clinic. Kinuha ng assistant ang pangalan ko at sinabi niyang tatawagin ang pangalan ko kapag ako na ang susunod.

Pinagpawisan na ako ng malapot ng makitang isa na lang at ako na ang susunod. Kaya ko 'to!

"Huwag mo namang ipahalata na natatakot ka. Halatang-halatang takot ka eh." Bulong sa akin ni papa. Umayos ako ng upo sa sinabi niya. Natatakot talaga ako eh. Lalo na nang makita ko ang batang umiiyak galing sa loob at akay-akay ng ina.

Uminom ako ng gamot kanina kaya nawala ang sakit. Mas gusto ko pang mag ka fever kaysa sumakit ang ngipin ko. At least ang sakit sa ulo dahil puwede kong itulog.


"Number twenty six. Merriam Zandre kayo na po." Napalunok ako. This is it! Wala nang atrasan 'to.

"Dito lang kami. Hihintayin ka namin." Sabi ni mama sa akin. Parang gusto ko na ngang tumakbo palabas ng igiya ako ng assistant sa isang pinto.

RhapsodyWhere stories live. Discover now