Chapter 24

4K 146 12
                                    


Chapter 24

Tinignan ko siya ng masama sa sinabi niya. Talagang hindi niya alam kung ano ang ginawa niya? O Nagpapangap lang siya?

Tumayo ako. Lumingon ako sa likuran ng bus. Nakita kong bakante ang pinakahuling upuan.

"Tumayo ka..." Utos ko sa kanya.

"But—

"Sa likod tayo mag-uusap."

Hindi na siya kumontra. Tahimik siyang tumayo at nagtungo sa likuran. Sumunod ako sa kanya. Medyo nahirapan pa ako dahil tumatakbo ang bus at kailangan kong i-balance ang sarili ko. Kumakapit ako sa bawat upuang nadadaanan ko.

Nainis ako ng makita ko ang mga kababaihan na napapalingon kay Kelvin. Ano naman kayang klaseng magnet ang kinain niya? At ganyan ang epekto niya sa mga babae?

Umupo ako agad sa tabi niya. Naglagay ako ng distansya nang napagtanto kong masyado kaming malapit sa isa't-isa.

"Ano bang nagawa ko?" Tanong niya. Parang ang sarili lang ang tinatanong dahil mahina iyon. 

"Hindi mo talaga alam ang ginawa mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Nakita ko sa gilid ng mata kong sunod-sunod siyang tumango.

"Anong ginawa ninyo kagabi?" Naningkit ang matang tanong ko.

"Nag-inuman..." Marahan niyang sagot. Na parang tinatanya ang magiging reaksyon ko.

"Ah.. Kaya naman pala may babaeng lumabas galing condo mo kaninang umaga." Nilingon ko siya at pinukol ng matalim na tingin. Namutla siya...

"Mi Cielo—

"Ano sa tingin mo ang iisipin ko sa nakita ko?"

"I-It's not what you think. Trust me, Mi Cielo..." Tinaasan ko siya ng kilay...

"Explain, then..." Mukhang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko. Sa pagbibigay ko sa kanya ng pagkakataon para magpaliwanag. Umaliwalas ng konti ang mukha niya.

"Si Samantha ang nakita mo kanina... Si Kris ang fu—Err... Boyfriend niya... Believe me, Mi Cielo. Sa kabilang kuwarto sila natulog ni Kris." Napalingon ako sa kanya. Nagsasabi ba siya ng totoo?

"Bakit hindi ko nakita si Kristoffer kanina?"

"Dahil tulog pa siya... Nang sinundan kita sa labas ng condo, pagbalik ko ay gising na si Kris... I'm telling the truth, Mi Cielo. Kung gusto mo tawagan pa natin siya." Sa sinabi niya ay nakahinga ako ng maluwag. Nawala bigla ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko. At naglaho na parang bula ang pagdududa at galit ko para sa kanya.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"I'm telling the truth, Mi Cielo. Please, believe me... Hindi ako mapakali kapag galit ka sa akin." He stared at me. Nagmamakaawa ang mga mata.

Ang nararamdaman kong galit sa kanya kanina ay nawala na nga nang maramdaman kong nagsasabi siya ng totoo. Napalitan iyon ng hiya. Pinagbintangan ko siya at kung ano-ano pa ang sinabi ko sa kanya.

"I'm sorry... Pinagbintangan pa kita." Nahihiyang wika ko.

He cupped my face. Ginawaran niya ako ng magaang halik sa aking mga labi. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong hindi siya galit o nagtatampo man lang. Thank God!

RhapsodyWhere stories live. Discover now