Chapter 31

3.9K 132 13
                                    

Chapter 31

A/N: Warning: If you are a minor. You are not allowed to read this Chapter.

Nang makarating na kami ng Manila ay dumiretso kami sa bahay nila. Nagpasundo si Kelvin sa driver nila bago pa kami makarating ng terminal kanina. Hindi na rin ako nagprotesta pa. Pagod ako at gusto ko nang humilata sa malambot na kama. Masakit na rin ang puwet ko sa ilang oras na pagkakaupo. Nakakangalay din palang umupo ng matagal.

"You tired?" Tumango ako sa tanong niya. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pagod na pumikit.

Hindi maganda ang biyahe ko ngayon dahil dalawang beses akong sumuka. Dalawang beses na pinahinto ni Kelvin ang bus para lang sumuka ako. Nakakahiya tuloy sa ibang pasahero. Hindi naman kasi nabubuksan ang bintana dahil aircon ang bus na sinakyan namin. Ngayon lang ako nahilo sa biyahe. Ano bang kinain ko?

Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktuk ko at hinaplos-haplos ang buhok ko bago ako tuluyang hilain ulit ng antok.

Nagising ang diwa ko nang may mga naririnig akong nagsasalita. Ramdam kong ang malalakas na brasong buhat-buhat ako. Alam kong si Kelvin dahil kilala ko ang pabangong gamit niya. At kilala ng katawan ko ang init na hatid ng katawan niya.

"Kuya, anong nangyari sa kanya?" Narinig ko ang boses ni Vangie. Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko dahil sa antok.

"She's tired." Kelvin answered in a hushed voice.

"Ang putla niya." Boses ni Tita. Mama nina Kelvin.

"Mom, please call the doctor. I-aakyat ko lang siya sa kuwarto." Narinig kong sabi ni Kelvin. Bakit may doctor pa? Gusto ko sanang magprotesta pero hindi ko naman magawa dahil sa antok at pagod ko.



Naalimpungatan ako, kaya ako nagising. Nagtatakang iginala ko ang mga mata ko sa kabouan ng silid. Nasaan ako?

Lumipad ang tingin ko sa pinto ng banyo nang bumukas iyon. Lumabas doon si Kelvin na bagong ligo at tuwalya lang ang nakabalabal sa ibabang bahagi ng katawan nito. Kung ganito ang mabubungaran ko pagising ko ay baka hindi ko na kailangang mag almusal.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya ng makitang gising na ako. Mabilis siyang lumapit sa akin at sinipat ako.

"Ayos na."

"Are you sure?" Paniniguro niya.

"Oo nga. Bihis ka na. Nadi-distract ako sa katawan mo." Irap ko sa kanya. Tumawa siya bago siya yumuko. Pinatakan niya ako ng halik sa aking mga labi.

"Ang ganda mo..." Malambing na sabi niya. inirapan ko siya. Anong maganda sa bagong gising? Gulo-gulo ang buhok ko at malamang may morning stars pa?

Nag-init ang pisngi ko.

"Huwag ka nga." Asik ko.

"What? I'm telling the truth, Mi Cielo. Bagay sa'yo ang damit ko." Yumuko ako at nakita ko ngang suot ko ang isang malaking t-shirt na pagmamay-ari niya. "And I want to devour you right now." Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. May nakapaskil na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

Bumaba ang mata ko sa ibabang bahagi ng katawan niya na natatakpan ng tuwalya lang. Namula ang mukha ko nang makita ko ang bukol doon. At mukha pang nakaturo sa akin.

RhapsodyWhere stories live. Discover now