Chapter 23

3.8K 140 16
                                    


Chapter 23

Ginawa ko ang ipinunta ko talaga sa condo niya. Naglinis ako. Kahit gustong-gusto kong sirain lahat ang mga gamit niya.

Hindi ko siya ginising. Hinayaan ko siyang magpahinga sa kawalanghiyaang ginawa niya... nila.

Kapag nagtatangkang pumatak ang letse kong mga luha ay isinisiksik ko lang sa isip ko na galit ako sa kanya. At kahit mahal ko siya. Hindi ko papalagpasin ang ginawa niya. Hindi ako ganoon.

I already have a perfect planned in mind right now. Tignan lang natin. Hindi ako naging bully ng wala lang. Kung kailangan kong ibalik ang bully at bitch na si Merriam Elise, gagawin ko!

Nagawi ako sa kusina at namangha ako sa dami ng hugasin. Ilan ba silang kumain? Isang dosena? Hindi man lang sila nag-abalang maghugas.

Hinugasan ko lahat ng hugasin. Pagkatapos ay pinatuyo at inilagay sa cabinet.


Paalis na sana ako ng manigas ako sa kinatatayuan ko. He's awake.

"Mi Cielo?..." Nakasuot na ito ng pantalon ngunit wala siyang damit pantaas. Kinusot-kusot niya ang mata habang papalapit sa akin. Kung hindi lang ako galit ngayon ay siguradong maku-kyutan ako sa hitsura niya.

"Akala ko bukas ka pa maglilinis." Aniya nang tuluyan nang makalapit sa akin. Kaya ba malakas ang loob niyang gawin ang bagay na iyon dahil akala niya na bukas pa ako darating?

Ikinuyom ko ang dalawang kamay ko. I want to punch him right now. Mabilis ko siyang itinulak nang akmang yayakapin niya ako.

Nagtatakang napatingin siya sa mukha ko. Grabe ang galing niya... Ang galing niyang umarte na wala siyang ginawa!

"What's wrong?" Napatiim bagang lang ako. Hindi ako sumagot.

Napahakbang ako paatras ng lumapit siya sa akin ng isang hakbang. Tinignan ko siya ng masama. Agad namang natigil ang gagawin pa sana niyang paghakbang nang makita niya iyon.

"Mi Cielo.. What's wrong?" Nakangiting tanong niya. Nakangiti nga siya ngunit halatang pilit at kinakabahan. Ganyan nga, dapat ngang kabahan ka.

"Pupunta kami ng Isabela mamaya." Malamig na sabi ko. Natigilan siya.

"Why?" Tanong niya. Hindi ulit ako sumagot. Sa halip ay tinalikuran ko siya at naglakad patungong pinto. Naramdaman kong sumunod siya sa akin.

"Ilang araw ka doon? Kailan ka babalik? Babalik ka rin ba agad?" Sunod-sunod na tanong niya. Nang makalabas na ako ay hinarap ko siya. Nakita ko agad ang expression ng mukha niya. He's frustrated.

"Pakialam mo ba kung kailan ako doon? Kung doon na ako titira may magagawa ka?" Napanganga siya sa sinabi ko.

"You're kidding, right?"

"Hindi..." Muli ko siyang tinalikuran at naglakad palayo.

Agad akong napatigil ng may pumigil sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko si Kelvin.

"What's wrong, Mi Ciel—"

"Don't call me that! From now on. I am not you're heaven." Sinubukan kong tangalin ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit sadyang pahigpit iyon.

RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon