Chapter 38

2.7K 92 28
                                    

Chapter 38

Gulat na gulat ako sa inamin ni Ate sa akin. Hindi ko alam kung paano magre-react. Parang na blanko sandali ang utak ko. Hanggang ngayon ba ay mahal pa rin niya si Kelvin?

"Matagal ko siyang pinangarap bago naging kami. Ilang taon din 'yun. Matagal ko pa siyang sinundan-sundan bago niya ako napansin. Naging kami, akala ko mahal niya ako pero ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa." Kuwento niya habang ako ay matamang nakatingin sa mukha niya. Hindi alam kung paano magre-react.

"Niyaya ko siya minsan noong birthday ni Daddy. Nandoon ka noon, naalala ko. Fifteen ka pa lang noon kasi naalala kong suot mo ang bestida na regalo ko noong 15th birthday mo." Sa sinabi niya ay napaisip ako. Ngunit kahit anong piga ko sa utak ko ay hindi ko maalalang nakita ko si Kelvin noon. O may ipinakilala si Ate na boyfriend niya.

"Kinabukasan noon ay nakipag-break siya sa akin. Tapos iba-ibang babae na ang nakikita kong kasama niya. Kaya galit sa akin ang babaeng kapatid niya ay napagkamalan kong babae niya, ayon sinabunutan at pinagsasampal ko. Galit na galit noon si Klevin kaya nag resign na lang ako sa trabaho ko sa pagkapahiya. At naging kami naman ni Alex." Kaya naman pala galit si Vangie kay Ate. Si Ate pala iyong ikinukuwento niyang ex ni Kelvin na nanakit sa kanya. Small world talaga.

"Hindi ko siya nakita noong birthday ni Tito, Ate." Mahinang sabi ko. Mapait siyang ngumiti.

"Pero siya, nakita k—" Huminga siya ng malalim at hindi na itinuloy ang sasabihin. Seryoso niya akong tinignan, kaya kinabahan ako.

"Kung mahal mo ako bilang pinsan mo. Makipaghiwalay ka sa kanya." Seryosong hamon niya.



Tahimik ako sa loob ng sasakyan ni Kelvin. Niyaya ko siya kanina na ihatid ako pauwi pagkatapos naming mag-usap ni ate Beth.

"May problema ba?" Tanong niya pagkahinto niya ng sasakyan sa tapat ng bahay namin. Nilingon ko siya at serysong tinitigan.

"Nakausap ko si Ate kanina." Sabi ko at kitang-kita ko kung paano siya tinakasan ng kulay sa mukha. Bigla siyang namutla. Bumuka ang bibig niya ngunit walang salitang lumabas.

"Ex mo pala siya. Ikinuwento niya kung paano mo hiniwalayan." Diretso lang ang mata ko sa harapan. "Hindi ko alam kung paano magrereact sa nalaman ko. Una pa lang ay alam mo na kung anong connection namin ni Ate sa isa't-isa." Sabi ko bago ko siya nilingon.

"Mi Cielo." Paos niyang anas. Tila hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya nagpatuloy ako.

"Sabi niya kung mahal ko siya ay makipaghiwalay ako sa'yo." Pagkasabi ko n'un, I saw fear flashed on his eyes. .

"M-Mi Cielo, please— " Agad niyang hinagilap ang kamay ko ngunit agad kong iniwas at agad na binuksan ang pinto ng sasakyan. Bumaling ako sa kanya at malamig na tinignan.

"Nakapagdesisyon na ako, mag-break muna tayo." Sabi ko bago ako tuluyang lumabas. Diretso ang lakad kong pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko nang kuwarto ko ay agad kong hinagilap ang phone ko at tinawagan si Ate.

"Ginawa ko na ang gusto mo." Walang emosyong sabi ko.

"Okay, punta ako dyan ngayon." Sabi niya at agad na pinutol ang tawag. Napabuntong hininga ako. Lumapit ako sa bintana at tinanaw kung umalis na si Kelvin. Nakita kong nandoon pa rin ang sasakyan niya at natitiyak kong nasa loob siya.

RhapsodyWhere stories live. Discover now