Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy ako sa pagtapos ng mga dapat kong gawin upang akauwi na ako dahil hindi ko napansin ang oras. Madilim na pala sa labas at nag-aalala akong baka wala pang nakapagsaing sa bahay. Hindi ko pwedeng iasa lahat kay Knight ang kusina.

"Paprint po ako, Kuya."

Nginitian ako ng nagbabantay ng shop, na hindi ko na lubos isinaisip pa dahil nagmamadali na talaga akong umuwi.

"Irerestart ko lang. Nag-paper jam, pasensya na."

Hinayaan ko siyang gawin ang dapat niyang gawin.

Alam kong ilang minuto lamang ang itinagal ng muling pag-ooperate ng printer at ilangminuto rin bago matapos ang mga pinaprint ko pero hindi maiwaglit sa aking isipan na tumatakbo ang oras at baka wala pang tao sa bahay.

"Heto po ang bayad."

Kaagad akong lumabas nang mabigla ako sa nakita kong nakaabang sa tapat ng shop. Nakaparada sa tabi ng kalsada ang bisikleta ko. Hindi ako maaaring magkamali dahil ako lang rito ang mayroong bisikletang may manibela ng kotse. Kaagad ko itong nilapitan at lumingon-lingon na rin sa paligid, umaasang makita sa kung may taong responsible sa pagpaparito ng bisikleta ko.

"I got her, go home. Thanks for helping anyway," biglang basag ng tinig sa kung saan na tila may kausap sa cell phone. Lumingon ako sa may-ari ng boses at ako ay napakamot.

"Warden," tawag nito sa akin nang subukan kong umiwas ng tingin. Alam ko na namang kung hindi ako nito pagtatawanan ay pagagalitan niya ako kaya naman as much as possible, ayokong naiiwanan kaming mag-isa. "Let's go home. Nag-alala kami sayo."

"Paano mo nalamang nandito ako?"

He was too quick to answer to be true but he did anyways. "I didn't. I just stopped right here para magpaload diyan," turo niya sa tindahang nasa tabi ng café. "Good thing I found you."

"Bakit mo dinala itong bike?"

Napatawa siya at saka kaagad na sumampa rito. "Sinamantala ko nang wala ka nang hindi mo maipagdamot. Matagal ko na kayang gustong subukan 'to. Sakay na, hinihintay ka roon."

Wala na akong lakas para makipagtalo kaya naman sumakay na lang din ako at saka nagpauwi.

HINDI KO INASAHAN ang mauuwian ko.

Nakaupo sa couch si Lolo nang nakangiti samantalang ang bisita namin ay prenteng naka-dekwatro sa mas mahabang couch habang nakatayo sa likuran nito ang isang lalaking astang estatwa.

Matalim ang tinging kaagad na ipinukol nito sa akin kahit pa kararating ko lamang at hindi ko pa nga nahihigop ang unang hanging manggagaling sa loob ng bahay. Samantala, naamoy ko ang mabangong putaheng niluluto sa kusina.

Kaagad na umuwi kanina si Kris nang makapasok na ako ng bahay.

Sa nakikita ko, wala akong magiging kakampi sa oras na ito dahil si Lolo ay mistulang naaaliw pa lalo sa batang tinitignan kong hamak na mas maliit sa akin pero tila siya pa ang may apog na tignan ako nang nakapanliliit.

"Ren, ang gwapong bata hindi ba? Kamukha ni Knight," naaaliw na sambit ni Lolo na siyang ikinangiti naman ni CJ sa kanya. Napabuga ako ng hangin sa aking nakita. Bakit ang magkapatid na ito ay tila nag-iiba ng ugali kapag si Lolo ang kapalitan pero kapag sa akin, daig pa ang mga bully sa Grade 1?

"Bakit ka nandito?"

He scanned me from head to toe, stopping right down my hand that holds the printed outputs and rolls his eyes as he trained them back on me. He then stood up and picked his backpack and signalled his finger to me, as if he was telling me to follow him. And just like that, he went to my room's doorway and halted when I did not go right after him. He then turned round and gave me a death glare and so I just followed right after.

I swear! This kid is more bad news than the big brother.

"Open the door."

"Bakit parang ikaw ang kuya ni Knight?"

He looked at me as if I am a banana peel and turned the doorknob himself, welcoming himself inside my room. "Lock it after you."

Hindi ko na hinayaan pang siya muli ang kumilos dahil hindi ko talaga maiwasang kilabutan sa batang ito. Hinintay ko siyang magsalita pagkatapos niyang padaanan ng malagkit na tingin ang kabuuan ng silid.

"Where does he sleep?"

He looked as if he was up for a serious business deal as he spoke to me in a tone that was far from the insulting tone he usually gives me.

Napaisip naman ako bigla sa tanong niya dahil hindi ko alam kung ano dapat ang isasagot.

"I see."

He looked at me again as if he knew what was on my mind and went on.

"What did you do to make him want to cook food?"

"Eh? Nagsasarili siya. Anong malay ko diyan?"

He rolled his eyes at me as he went on to my small table and picked up a spray bottle of alcohol. He spritzed some in his hands and rubbed it occasionally while asking, "Did he ask you weird things?"

Hindi niya tinitigilan ang pagkukuskos nang mabagal sa kamay niya at ako ay nababahala sa kilos niyang iyon nang hindi ko alam kung bakit.

"Natatakot ka ba sa akin, Ren?

"Hindi ako natatakot sayo, bubwit ka."

"I'm not bobo!" he defended which made me wonder where he did get that.

"I didn't say you are."

"You just said it!"

"Sabi ko, bubwit!"

"Isn't that bobo?"

"Well, now that makes you look bobo," ganti ko sabay irap.

"Stop getting ahead of yourself. Here," he then stuck a box out of his backpack and handed it over to me. "Take this so I can contact you. Don't make me do complicated things for you again like visiting your house, witch."

"Hindi naman kita pinapunta ha? At saka ilayo mo nga sa akin iyan."

"Quit slapping the 'I'm not a gold digger' card will you? Take it."

"Ayoko. At hindi ako gold digger. At lalong hindi ako nagpapanggap na hindi gold digger!"

"I didn't say you are," he softly spoke for a moment and then turned demonic again. "I'll just charge it to CK later, don't worry about it. And don't let him get drunk. I'll be off now. You owe me one, witch."

And he closed the door right at my face.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon