18

2.7K 60 0
                                    

CHAPTER 18

Wanna watch porn too?

REN

Ilang araw rin ang dumaan matapos ang pagbisita ni CJ sa bahay at hindi ko na rin napansing Sabado na naman kinabukasan. Inagahan ko ang pag-uwi para makapaghanda ng dadalhin sa bahay nina Xyve dahil ngayong magna-nineteenth birthday ang loko.

Buong araw namin siyang pinagtataguan kahit sa campus at hindi rin kami nagpapansinan. Napag-usapan na naming walo ang mga gagawin namin. Si Garnett ang bahala sa pagdistract muna sa kanya habang kinukuntsaba nina Jomari ang tatay at kuya niya sa bahay.

Tinitigan ko nang taimtim ang oras na nakaflash sa lockscreen ng cell phone na hawak ko. Wala akong nagawa kung hindi ang gamitin ito dahil na rin sa pamimilit ni Knight na gamitin ko na lang para hindi niya nakikita ang kapatid dahil napeperwisyo lamang siya kapag nandito ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Knight habang nagpapasak ng headphones sa kanyang tainga. Malamang ay kung hindi ito magtatrabaho, mag-aaral ito. Sa paglipas ng mga araw, tila nasasayawan ko na rin ang pagkakasunod-sunod ng mga ginagawa niya sa bawat araw.

"Kina Xyve, doon sa kabilang kanto, malapit sa ihawan."

"May ihawan namang mas malapit dito ah. Bakit doon pa?"

"Hindi ako mag-iihaw. Kina Xyve ako pupunta."

"Bakit?"

Napatingin naman ako sa kanya pero bago pa man ako makapagsalita ay sinamaan niya na ako ng tinging tila ba alam niya kung ano ang nasa isipan ko.

"Hindi ako interisado sa iyo. Nagpunta ng bangko si Lolo G at naghabiling bantayan kita dahil baka raw rumaket ka na naman nang hindi niya nalalaman kung saan."

Napatiklop ako ng bibig bago tumingin sa malayo. "Wala naman akong sinabing interisado ka sa akin. Syempre tatanungin ko kung bakit ka nagtatanong."

"Lolo said you should be home by..." he paused for a while, maybe to recall what Lolo exactly just said. "By seven."

"Eh? Birthday ni Xyve ngayon. Baka nga roon na rin ako matulog eh. Sanay na si Lolo. Alam niyang kapag wala ako rito, nandoon ako sa mga kaibigan ko."

He glanced sideways for a while as if he was recalling for something again but later on he shrugged anyways. "Anong gift mo sa kanya?"

Napabuga ako ng hangin sa aking ilong. "Kailangan pa ba n'on?"

He stared at me like I have grown two heads before pointing right at my face. "I knew it. Hindi na ako magtataka. You were on my party not giving me any gift. You didn't even greet me a happy birthday."

"Eh? Ikaw ba ang may birthday, hindi naman," pabelat kong asar sa kanya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong kinutusan sa noo. "You're a fucking idiot. We're twins. Of course her birthday is my birthday too."

"Eh bakit ka nangungutos?"

"You're so stupid."

"Aalis na ako."

"Magsaing ka muna."

Napatingin ako sa kanya habang nakaupo sa sofa at saka dahan-dahang ibinaba ang aking bag. Tama, magsasaing muna ako ng panghapunan nila. Sana lang din ay maabutan pa ako rito ni Lolo nang maipagpaalam ko na ring doon na lang matulog tutal wala namang pasok kinabukasan.

I rushed back to him after I put the pot on the stove and said, "Naisalang ko na. Ikaw na magbantay?"

He seemed not to hear what I said as he kept looking at whatever on the screen with his headphones on. Hinay-hinay nga akong naglakad sa kanyang tabi at saka unti-unting sumilip nang bigla siyang tumagilid at saka ako tinignan nang masama. "What are you doing?"

That Boystown Girl [COMPLETE]Where stories live. Discover now