Author's Note

2.6K 39 10
                                    

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking akda. Sana ay nasiyahan ka sa pagbabasa nang gaya ng kasiyahan ko habang nagtitipa. Akin lamang ibig ipaalam na alinmang pangalan, lugar, o pangyayari sa aking kwento ay hindi isinasadyang gamitin nang galing sa iba. Ang mga ito ay produkto lamang ng aking imahinasyon at mga obserbasyon sa araw-araw na pakikipagsapalaran ko sa buhay. 

Kung ano man ang mga hindi ninyo nagustuhan, paumanhin ngunit hindi ko planong baguhin ang naging takbo ng kwento. Maaaring hindi ito ang pinakamagandang librong mababasa mo ngunit ako ay natutuwa dahil ikaw ay nakaabot sa pahinang ito sa mga dahilang ikaw lamang din ang nakakaalam. 

Ibig kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa iyong pagbabasa.

Ako ay maghihintay sa ating muling pagkikita sa aking pagpapatuloy sa kwento ng buhay ng babaeng lumaki sa ampunan ng mga batang lalaki at lumaki sa lugar kung saan puro lalaki ang nakatira. 

Hanggang sa muli, tayo ay magsama sa ikalawang bahagi ng serye ni Ren. 

Who's That Boystown Girl

Kilala na natin si Ren bilang masipag, kuripot, at business-minded na babaeng katutuntong lamang sa ikalabingwalo niyang kaarawan. Hindi maikakailang nagdeklara ng seryosong kompetisyon para sa kanya ang kanyang mga kaibigan laban kay Knight ngunit wala sa isip ni Ren ang mga bagay na ito lalo pa at hindi niya inaasahan ang mga pangyayaring lalo pang gugulo sa kanyang buhay. 

Nang dahil sa hindi ka-kumbinsidong kutob ni Knight sa biglaan na lamang paglantad ng Royal Bounty Hunters sa kaso ni Ren na dapat ay simpleng kidnap for ransom lamang, mapapaisip ang lahat kung sino nga ba si Renaissance Apostol, isang araw bago siya mapadpad sa Boystown.

That Boystown Girl [COMPLETE]Where stories live. Discover now