"Hahahaha siguro nagselos! bat pa sya lalapit diba? Kung wala lang."

"Siguro nga, eh ikaw? Gano na kayo katagal ng boyfriend mo?" Sasagot palang ako ng tumunog ang phone nya kaya nag excuse muna sya.

"Ha? Why? What happened? Okay Im coming!" Yan ang narinig kong sinabi nya bago sya tumayo.

"Sorry ha kailangang ko ng umalis may nangyari daw sa friend namin e. Ano nga palang name mo?"

"Angel."

"Sige angel ha nice talking to you! Sana magkita pa tayo!" Tumakbo na ito ng pagkabilis bilis. Di ko manlang natanong ang pangalan nya.

Bumalik nalang ako sa pag rereview. Di nag tagal dunating rin si Carl dala ang pagkarami raming reviewer.

"Ang dami naman nyan! Mag oovernight ka ba dito?! Hindi to 24 hours no. Sana nag dala kana rin ng camping bag at tent."

"Ang dami mong sinasabi ituloy mo nalang yang nirereview mo kasi isang malaking himala nalang ang makakatulong sayo pumasa."

"Ang yabang mo naman!"

"Totoo naman kasi di ka nagseryoso! Ewan ko ba sayo nag sayang ka lang ng pera kung mas mahaba ang tulog mo kysa sa nakikinig ka." Pailing iling nyang sabi.

"Hmp! Pag ako pumasa tignan natin!"

"Pag pumasa ka mag paparty ka kasi ibig sabihin... totoo ang himala!"

"Whatever nerd!"

"Pogi naman! Order lang ako ng coffee."

"Order mo din ulit ako! Ubos na sakin!"

"Baka mag palpitate ka na! Nakailan ka na ata e."

"Basta order mo ko!"

Ilang oras din kaming nagreview ni Carl, sinubukan nya pa akong tanungin ng mga nakaready na questions. Hirap na hirap akong sumagot samantalang sya, diko pa nababanggit ang pagpipilian alam na nya ang sagot. Napapanganga nalang ako.

Umuwi ako ng 10pm. Hinatid naman ako ni Carl, sinilip ko si Jen sa kwarto nya mahimbing na syang natutulog. Naligo nalang ako at naghanda ng matulog.

Kaso 12 na, di parin ako madalaw dalaw ng antok. Shit! Nasobrahan ata ako sa kape. Pagulong gulong na ako sa kama at parang mababaliw na dahil ramdam kong pagod na ang katawan ko pero ang utak ko gising na gising pa.

1:30 na at parang gusto ko ng maiyak dahil ganun parin ang sitwasyon ko. Gustong gusto ko na matulog.

Sinubukan kong tawagan si Seb, akala ko di na sya sasagot kaya nung papatayin ko na sana narinig ko naman ang boses nya. Yung boses na parang nagising sa pagkakatulog.

"Babe?" Garalgal na sabi nya.

"Seb..."

"Babe what's wrong? Bat gising ka pa?"

"Di ako makatulog!" Naiiyak na sabi ko.

"Umiiyak ka ba?!"

"Hindi, maiiyak palang... Gusto ko na kasi matulog pero di ako makatulog."

"Bakit? Ano ba kasi ginawa mo?"

"Naparami ata ako ng coffee.. Seeeebbbbb."

"Kasalanan mo naman yan eh, pasaway! Gusto mo bang puntahan kita dyn?" Napaisip ako, gusto ko sanan... Kaso alam kong pagod na sya.

"Wag na... Okay na tong naririnig kita. Sorry ha naistorbo ko pa ang tulog mo."

"Dont say sorry babe, okay lang basta ikaw... Alam ko na, gusto mong kantahan nalang kita?" Napangiti ako.

"Sige sige gusto ko yan." Nag simula na itong kumanta.

Minamasdan kita

Nang hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin

Mapupulang labi

At matinkad mong ngiti

Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa akin

At baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo

Ang awit ng aking puso

Sana'y mapansin mo rin

Ang lihim kong pagtingin

Minamahal kita ng di mo alam

Huwag ka sanang magagalit

Tinamaan yata talaga ang aking puso

Na dati akala ko'y manhid.

Si Seb lang pala ang kailangan ko, dahil di pa sya tapos kumanta e unti-unti ng bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

NOT your FanWhere stories live. Discover now