Kabanata 4

20 8 19
                                    

MAGNANAKAW


"Nabalitaan niyo na ba?" bulong ng isa kong kaklase kinabukasan.


"Ang alin?" humilig si Ashley para marinig ang sasabihin niya.


Naririnig ko naman sila kahit hindi ako humilig.


"Kagabi may nakita raw ang security guards na nakapasok sa campus..." sambit niya.


"Nakapasok? Eh, baka estudyante lang na gabi ng umuwi." si Ashley.


Hindi pa dumadating ang teacher namin kaya sobrang gulo ng mga kaklase ko at kung anu-ano ang mga ginagawa.


"Hindi! Narinig ko kanina sa gate na balot daw ng itim na jacket, pantalon at kalo kaya hindi nakilala." humina pa lalo ang kanyang boses kaya medyo napahilig na rin ako.


"Talaga? Nahuli ba?" usisa ni Ashley.


Umiling ang kaklase namin, "Hindi nga, e, mailap daw. Pangalawang beses na raw itong nangyari pero hindi siya mahuli."


"Magnanakaw?" hindi ko na napigilang mag tanong.


Nagulat pa sila nang nakitang nakikinig pala ako.


"Iyon ang hinala nila. Pero bakit naman may magnanakaw sa record office? Anong makukuha niya roon?" untag niya.


"Sa record office siya nakita?" gulat na tanong ni Ashley.


Tumango ang kaklase namin, "Diba? Wala naman siyang makukuha roon. Kaya bakit doon siya pumupunta kung magnanakaw siya?"


Medyo nanayo ang mga balahibo ko sa narinig. What! May pagala-galang magnanakaw dito sa campus? Oh my God! Masyado na pa lang delikado rito! Uuwi na ako ng maaga! Baka magkaabutan pa kami at kung anong gawing masama sakin!


Usap-usapan na pala sa buong campus ang balita. Maging ang teacher namin ay binalaan na rin kami.


"Umuwi kayo ng maaga ngayon! Nabalitaan niyo naman siguro 'yong gumagalang magnanakaw sa campus tuwing gabi, 'di ba? Susubukan namin siyang huliin kaya wala na dapat kayo rito pag sapit ng dilim. Maliwanag!"


Untypical (Davao Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang