Kabanata 6

16 7 12
                                    

HATID


"Ayun!"


Halos maubos ko na ang mga lamok dito sa gate ng school. Namumula na rin ang buong katawan ko sa kati. Nasaan na ba kasi si Reed? Hindi naman sumasagot ng tawag. Hindi ko naman siya pwedeng puntahan sa gym mag isa. Ayoko nga at baka makasalubong ko pa 'yong magnanakaw dyan at ano pang gawin sakin, ano!


"Ms. Tevez, umuwi ka na! Magsisimula ng rumonda ang mga security sa campus!" boses iyon ni Ms. Reyes.


Palabas na siya ng gate. Napatayo agad ako.


"Opo, ma'am. May hinihintay lang." sabi ko.


Tumango lang siya at naglakad na ulit palabas.


Kinuha ko ulit ang cellphone ko para itext kay Reed na kung matatagalan pa siya ay mag tataxi na lang ako. Di bale na kung hindi niya mabasa basta ay matext ko siya.


Ako:

Reed, kung matatagalan ka pa ryan, mauuna na lang ako. Pwede naman akong mag taxi na lang.


Ngunit umabot na ng sampung minuto ay wala pa rin siyang reply. Sinasaway na nga ako ng guards na umuwi na raw dahil magsisimula na silang rumonda.


"Opo, eto na, aalis na.."


Naglakad na ako palabas ng campus. Nakakainis naman! Puno na ng kagat ng lamok ang buong katawan ko tapos ay ako lang rin palang uuwi mag isa!


Pag labas ng gate ay nagulat akong wala man lang ni isang taxi ang nasa stasyon. Puro jeep na lang.


Kung minamalas ka nga naman oh!


"Puno naman ang lahat ng jeep..." sabi ko sa sarili.


Wala man lang pumapara at pumapansin sakin dito dahil puno ang lahat ng jeep. Pambihira!


"Ah! Ano ba yan! Di naman nag iingat!" halos sigawan ko ang lalaking nakatabig sakin sa gilid ng kalsada dahilan kaya nahulog ang mga dala kong libro.


Bulag ba siya?! Kita ng may tao!


"Hoy! Hoy!" tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon.


ABA NAMAN!


Sino ba iyon at bakit balot na balot? Hindi ko man lang nakita ang pagmumukha niya!


Umabot na ng isa at kalahating oras ay nasa tapat pa rin ako ng school at walang masakyan. Dumidilim na. Hindi pa rin nag rereply si Reed. Malilintikan talaga 'to sakin mamaya!


"Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba ihahatid ng boyfriend mo?"


Napatalon ako sa gulat nang tumabi sakin si Sirius. Teka! Ba't nandito pa 'to! Delikado na, ah!


"Bakit nandito ka pa?" tanong ko.


Untypical (Davao Series #1)Where stories live. Discover now