Kabanata 13

18 6 0
                                    

OSTEOSARCOMA



"Wala na bang balita tungkol doon sa magnanakaw na pumasok sa campus?" mataman kong tanong kay Ashley.


Dalawang araw pagkatapos ay buhay na buhay pa rin ang isyu. Sinasabi nilang si Reed nga ang dahilan kaya nagsampa ng kaso ang sino mang estudyante kaya hindi na siya pumapasok.


"Hindi nga siya magnanakaw lang! Isang night messenger si Knight! Okay? depensa niya.


Nagulat ako dahil medyo galit ang kanyang boses.


"Huy! Ayos ka lang? Nagtatanong lang naman ako." tumawa ako.


"Nakakainis kasing na mi-misinterpret siya ng mga tao. Hindi naman masamang tao si Knight!" giit niya pa.


Lalo pa akong nagulat.


"Oh? Ba't biglang pinagtatanggol mo na siya ngayon?" 


"Hindi ko siya pinatatanggol! Ayoko lang na kung anu-anong sinasabi tungkol sa kanya!" sumimangot ang kanyang mukha.


"Kung hindi lang siya magnanakaeste night messenger ay talagang iisipin kong kaya mo siya pinagtatanggol ay dahil crush mo..." biro ko. 


Nakita kong nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala nang binalingan ako.


"What the hell are you talking?! Hindi talaga siya masamang tao! Nakumpirma ko na nang naki"


"Nakita mo siya?????" namilog ang mga mata ko.


Natigilan siya. Parang hindi makapaniwala na nasabi niya iyon.


"H-Huh? H-Hindi, ah! Ang ibig kong sabihin ay nang nakita ko pa ang ibang articles tungkol sa kanya. Iyon!" tumango-tango siya na para bang pinipilit niya ang sarili niyang maniwala.

Untypical (Davao Series #1)Where stories live. Discover now