Kabanata 19

14 4 0
                                    

KNIGHT


Mahigit isang oras kaming humahagulgol lang ni Mommy habang yakap si Ate. Pakiramdam ko nawasak ang buo kong pagkatao ko! Sobrang sikip ng dibdib ko. Ayokong tanggapin! Hindi pa patay ang kapatid ko! Hindi pa! Natutulog lang siya! 


"Maritez, kailangan niyo ng magpaalam. Ihahanda na siy–"


"Nooo!!!!" sigaw ni Mommy. "My daughter is not dead!" 


Lalong bumubos ang mga luha ko habang tinititigan si Mommy. Paulit-ulit niyang hinahalikan si Ate. Kung noon sa mga ganitong sitwasyon ay yayakapin siya ni Ate pabalik... ngayon hindi na. Tanging si Mommy na lang ang yumayakap sa kanya. 


I still cannot believe this is really happening! Ang bilis ng oras! Parang kanina lang ay nakangiti pa si Ate habang kausap ako. Is this really His plan? 


Lumabas ako ng kwarto nang kunin na si Ate para ihanda. Ayaw man ni mommy ay wala na siyang magagawa. Kahit ako ay wala ring magagawa. 


Ate Calvina just died. 


Bigla ko na lang naramdamang niyakap ako ni Sirius habang nakaupo kami sa hallway ng ospital. Hindi ko siya tinulak o pinigilan man lang. Lalo pa akong napahikbi dahil sa yakap niya. Hindi ko talaga maintindihan ang buhay. Kapag kinomfort ka mas naiiyak ka. Nakakainis, 'di ba? 


"Pshh...." tinatapik niya ang likod ko.


"Bakit! Bakit nangyare 'to kay Ate!?" galit kong sabi. 


"Everything happens for a reason, Zari, alam kong alam mo 'yan. It's all His plan." aniya.


Parang hindi na ako makahinga kakaiyak. I know, I don't have the right to question His plans, I really know kaya nga naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko matanggap na nangyari 'to sa kapatid ko!


"Why did you left us?" paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.


Hindi ako makakain. Iyak lang ako nang iyak sa kwarto ko. Halos hindi na ako kumakain. I was so depressed. Napatakip ako ng aking mukha nang bumubos na naman ang luha ko habang inaalala ang mga memories ko kasama si ate. 


Siya ang unang nakaalam nang naging dalaga ako. Natakot ako noon dahil akala ko may sakit ako kaya lagi niya akong binibigyan ng pads patago. The way she comforted me everytime I am sick and have problems. She was the only one who could understand me and my stupid behavior. Kahit pasaway siya ay never siyang naging masamang kapatid sakin. Kapag pinapagalitan ako noon ay lagi niya akong pinagtatanggol. Kapag naman may mga bagay akong hindi kayang gawin ay siya ang gumagawa. Kapag may hindi ako alam, tinuturo niya sakin. 

Untypical (Davao Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang