Kabanata 18

11 4 0
                                    

LAST TALK


Lumipas ang mga araw at medyo nagiging maayos na ang lagay ni Ate Vina. Normal na ang kanyang oras ng pag tulog, even her vital signs were all back to normal. I couldn't keep the happiness i felt that moment. Hindi ako nawalan ng pag-asang gagaling pa ang kapatid ko, na mabubuhay pa siya. 


Not until one day... I guess not everyone is lucky to have a long life. Akala ko talaga ay gagaling pa siya! That's what I thought!  


Hanggang sa natigil lahat nun nang isang araw ay nakaramdam muli si ate ng pananakit sa kanyang buong katawan. I thought it's just a simple body ache pero hindi! Halos gabi-gabi siyang nangingisay at namimilipit sa sakit!


"Mommy, hindi ko na kaya! Sobrang sakit na!" 


It breaks my heart seeing her crying and shouting for help! Pero anong magagawa namin? Kahit ang mga doktor ay umaasa na lang sa tatag ng kapatid ko. I want to sue them for not doing their best to save my sister! I want to get rid of them! But then again, I'm just a high school student. Reality always breaks my heart. 


Days passed by and Ate Vina is getting worst each day! Lalong lumala ang pamimilipit sa sakit ng buong katawan niya. Kapansin pansin din ang sobrang pag payat niya, even her face got slim, and the color of her skin and lips are not normal anymore. She already lost all her hairs! Ang bilis ng mga pangyayare! 


We didn't know what to do anymore, we're very worried! Umabot pa sa puntong nag desisyon na sina Mommy at Daddy na dalhin si Ate saStates at doon magpagaling pero si Ate na mismo ang tumanggi. 


"Wag na po! Tanggapin na nating hindi na ako gagaling! Ayokong pumunta ng States. Mas lalala lang po ako roon." matamlay na sabi ni Ate. 


"Hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan, anak." si Daddy.


Ngunit paulit-ulit lang ang mga sagot ni ate. It's either "ayoko sa States" or "hindi na ako gagaling" is always her answer. Sobrang sakit marinig na maging siya mismo ay sumusuko na. Tinulungan ko ang mga magulang kong pilitin ang kapatid ko pero kahit ako ay tinanggihan niya. 


"I don't wanna hope anymore. It will just hurt me. My hope and expectations will just hurt me, Zarita." she said to me. 


Pumapasok pa rin naman ako tulad ng gusto nina Mommy pero talagang wala sa sarili ko ang isip ko dahil naiwan sa ospital at kay Ate. Lagi akong wala sa sarili kaya halos hindi ko na alam ang mga nangyayari sa eskwelahan dahil pagkatapos ng klase ay kaagad na akong umaalis para pumunta sa ospital. Minsan ay bumibisita rin naman sina Sirius at Ashley sa ospital at para tulungan ako sa mga project naming hindi ko na nagagawa dahil sa pagiging busy at stressed ko. But thanks to them, I'm able to catch up, kahit konte!

Untypical (Davao Series #1)Where stories live. Discover now