Kabanata 21

19 4 0
                                    

CALL


Balisa pa rin ang reaksyon ko kahit pag dating na namin sa classroom. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Pwede palang mangyare iyon? Now that the truth is revealed, nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Ate Abigail. I feel guilty because I believed a lie for a long time. 


"Ash, nakita mo ba si Sirius? Hindi ba siya pumasok?" humilig ako sa kaibigan.


Kanina ko pa napansing wala siya pero binalewala ko dahil akala ko late lang o nasa labas lang pero ngayong lunch ay wala pa rin siya. Nasaan na naman kaya iyon? Wala naman siyang sinabing aabsent siya ngayon, ah?


Luminga rin si Ashley, "H-Huh? W-Wala... H-Hindi ko nakita. Bakit?" 


Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Para siyang nagulat? 


"Hindi naman niya sinabing aabsent siya ngayon, eh. Itetext ko na lang." sabi ko na lang at binalewala na ang reaksyon niya.


Kinuha ko ang cellphone ko at nag type ng message roon para kay Sirius.


Ako:

Sirius? Ba't wala ka? Absent ka ba? 


Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos kong isent ang message. Kailangan ko na yatang mag freshen up dahil feeling ko ay sobrang stressed ko na these past few weeks. Nawalan na ako ng oras sa sarili ko dahil sa nangyari kay Ate.


Lumipas ang sampung minuto pero wala pa ring reply si Sirius. Busy kaya siya? Dati naman mabilis siyang nag rereply sakin. Ano naman kayang ginagawa nun? Bigla ko tuloy naisip si Reed. Nasaan din kaya ang isang 'yon ngayon? Kumusta kaya siya? Alam kong dapat akong maawa dahil sa nangyari sa Papa niya pero kung totoo nga talagang may kinalaman siya ay dapat siyang managot sa batas. A crime is always a crime. Lalo na't karapatan ng mga babae ang pinag-uusapan!


But I know Reed. I know he won't do such things. Kahit noon, hindi niya magagawa iyon. Puro siya kabalastugan pero alam kong hindi pa siya ganun kalala.


Kinahapunan ay wala pa rin si Sirius. Tinext ko na nga ulit pero wala pa ring reply. Bakit kaya? Maaga sana akong uuwi ngayon pero naalala kong may hindi pa pala ako natatapos na requirements kaya dadaan muli ako sa library para tapusin iyon. 


"Sigurado ka ba? Okay lang sayong mauna ako? Pwede naman kitang samahan." si Ashley.


"Hindi na! Ayos lang ako. Baka matagalan pa ako, e, tsaka nandyan na si Tita." sabi ko, tinutukoy ang Mommy niya. 

Untypical (Davao Series #1)Where stories live. Discover now