Kabanata 10

15 5 0
                                    

FOUGHT BACK


"Lilibre mo talaga ako?" tanong ko.


Mahigit isang oras din kaming tumatakbo lang sa subdivision kaya naman nang napadaan kami sa isang convenient store sa loob ng subdivision ay hindi na ako nag dalawang isip na pumasok. Kaso ay saka ko lang naalalang hindi nga pala ako nagdadala ng wallet dahil walang bulsa ang leggings ko.


"Oo nga. Kumuha ka na ryan. Kukuha lang ako ng drinks." aniya, dumiretso na sa drinks station.


Tumango ako at nagsimula nang kumuha ng makakain. Umorder ako ng lugaw. Ito na ang gagawin kong breakfast dahil nagugutom na talaga ako. First time ko ngang nagutom sa pag ja-jogging, eh, noon naman kasi hindi.


"Are you sure? Baka kamukha lang?" narinig kong bulungan ng dalawang babae sa gilid ko.


"Oo! Sigurado akong siya 'yon! Nakita ko ang mukha niya!" anang babae sa kanyang tabi.


Napasulyap ako sa kanila. Mukhang kasing edad lang ito ni ate. Taga rito ba sila sa subdivision? Ngayon ko lang sila nakita, ah?


"Naku! Imposible. Nasa states na 'yon ngayon. Diba nga ay may pumalit na sa kanya?" lalong lumakas ang kanilang bulungan kaya talagang dinig ko na.


Pagkatapos iabot sakin ng cashier ang order kong lugaw ay kaagad na akong dumiretso sa drinks station. Naroon pa rin si Sirius. Nadatnan ko pa siyang aligaga na palingon-lingon kung saan saan. Kumunot ang noo ko nang nakalapit na.


"Okay ka lang?"


Medyo nabigla pa siya nang nakita ako.


"Umorder ako ng lugaw. Bayaran mo na..." utas ko, sabay pakita ng dalang lugaw.


Tumango lang siya saka pumunta ng counter. Kumunot pa lalo ang noo ko nang napansin mukha hindi siya mapalagay habang nakatayo sa tapat ng cashier. Anong problema ng isang 'to?


Nang nakalabas na kami ay saka ko lang siya natanong.


"Mukhang aligaga ka. Ayos ka lang ba talaga? Wala ka bang lagnat?" hinawakan ko ang kanyang noo.


Natigilan siya sa ginawa ko at napatingin sa akin. Kaagad din niyang hinawi ang kamay ko.


"A-Ayos lang ako..." ngumiti siya pero halatang pilit.


Kahit sobrang nagtataka ako sa galaw niya ay nagagawa ko pa rin siyang kausapin para hindi awkward ang ambiance habang pabalik na kami ng bahay.


"Dito na ako. Ayaw mo ba munang pumasok?" alok ko sa kanya.


Untypical (Davao Series #1)Where stories live. Discover now