Kabanata 8

23 6 0
                                    

MALANDI


How the hell can he protects me if he cannot even protect himself? Diba?


Ako:

Kumain ka na? Kailan ka papasok?


Kinabukasan akong ihatid ni Sirius ay nag message ulit ako kay Reed. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko concern ako para sa kanya not just a friend kundi bilang 'girlfriend' niya. Kasi pakiramdam ko nagiging totoo na 'tong pinasok kong pagpapanggap. Hindi ko naman 'to pinlano pero hindi ko naman akalaing ganon pala talaga ako kamahal ni Reed. Sobrang pinaparamdam niya sakin iyon.


"Ba't aligaga ka ryan?" tumabi sakin si Ashley sa field.


"Wala. Iniisip ko lang kung ayos lang ba si Reed." medyo tulala parin ako.

"Hmmm... paalala ko lang sayo ha? Akala ko ba'y hindi mo gusto si Reed? Don't tell m—"

"Syempre nasa plano parin ako! It's just that we're still friends. Normal lang na mag-alala ako." giit ko.

Syempre idedeny ko iyon. Ayokong sabihin niyang ako na rin mismo ang nahulog sa sarili kong bitag.


"Do you know Knight?" biglang tanong niya.


Napalingon kaagad ako nang narinig iyon. Bakit kilala niya si Knight?


"Bakit kilala mo si Knight?" gulat kong tanong pabalik.

"Kilala mo nga siya... nabanggit na nga siya sayo ni Reed." aniya.

"Alam mo rin?" kumunot ang noo ko.

Tumango siya, "Of course. He's a famous night messenger and a spy. Who wouldn't know him?"


Kumunot pa lalo ang noo ko. Night messenger? Spy? Ano ang mga iyon?


"Pero walang nakakaalam kung sino talaga siya. Noong narinig kong may nakapasok sa campus at halos balot na itim ang kanyang suot? Alam ko na agad na siya 'yon!" wika niya pa, mukhang siguradong-sigurado.


"Anong pinagsasabi mo??" tuluyan na talagang kumunot ang noo ko.

"Kung ganoon ay may pakay nga siya sa eskwelahan natin. Records office? Nandoon ang hinahanap niya kaya pumupunta siya roon."

Untypical (Davao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon