140. Chronoclasm

122 17 0
                                    

Naglalakad si Adonis kasama ang ilang sundalo at ang nakaposas na si Ursula.

"Masyado kang pabaya, Ursula." Sabi ni Adonis at ngumiti.

Ngumiti din si Ursula. "Wala kasi akong alam na matapang ka na pala. Sa pagkaka-alam ko wala kang lakas ng loob gawin ang mga bagay na ito."

"Yan ang magpapatalo sa'yo. Ang pagiging dominante ng isip mo."

"Nakakatawa lang."

"Natatawa ka pa sa lagay na 'yan? Katapusan mo na dahil makukulong kayo."

"Sabagay, dapat lang gawin mo ito, kailangan mong sundin ang utos ng nakatataas."

Biglang hinampas ni Adonis ng baston si Ursula sa tyan kaya napatigil at napangiwi ito saglit. "Kahit pa anong gawin mo, wala ka nang silbi."

"Napikon ka agad? Naghahari-harian ka samantalang nasa ilalim lang ng kapangyarihan ng iba."

"Hindi pagkapikon 'yun. Nangangahulugan lang na wala ka nang laban sa'kin ngayon. Dadating ang araw na ako na ang pinuno at hindi na si Gold Smith."

"Ganun? Huwag mong hayaan na makatakas ako. Oras na makatakas ako, tapos ka na. Pareho lang naman kayong pulpol."

"Nakakatawa kung nagpapatawa ka." Tumawa nang malakas si Adonis. "Ikaw? Paano mo ako tatapusin? Wala kang alam sa pinagdaanan ko nung wala ka dito kaya akala mo lang kaya mo ako."

Tumawa uli si Ursula. "Para kang bata."

-

Naglalakad si Dionne na nakaposas din at kasama naman niya ang ilang sundalo at si Alyana. "Naisahan niyo lang kami." Sabi ni Dionne. Hindi kumibo si Alyana.

Nagsalita ang isa. "Hindi makaka-isa ang kalaban kung hindi nagpabaya ang kalaban niya."

"Magandang sagot." Sagot ni Dionne.

Nagsalita ang isa. "Mukhang ang swerte ni boss. Nahuli niya ito at si Ursula. Mapapabalita agad ito."

Tumigil sa paglalakad si Alyana. "Hindi pwedeng mangyari ito."

Tumigil din silang lahat. "Bakit?" Tanong ng isa.

"Hindi ko sukat akalain na mangyayari ito nang ganito kabilis." Nagpunta ito sa likod ni Dionne na nakaposas. "Wala akong plano na payagan ito." Kinuha niya sa bulsa ang susi at kinalagan si Dionne. Nagulat ang lahat maging si Dionne. Lumayo agad siya sa mga sundalo at kay Alyana.

"Bakit mo ako pinalaya?" Tanong ni Dionne at mabilis siyang tinutukan ng baril. Si Alyana naman ay hinanda ang baston niya para dumipensa kay Dionne.

"Bakit mo tinanggal!" Tanong ng isa kay Alyana.

"Basta, ako ang bahala."

Pagkakataon na ni Dionne kaya tumakbo agad siya palayo. Binaril siya pero hindi siya tinamaan. Narinig ni Adonis ang putok.

"Ano 'yun?" Tumingin siya sa paligid.

"Putok ng baril. Hindi mo alam?" Sabi ni Ursula na nanunuya pa. Pero nagtaka din siya.

Maya maya lang ay nasa harap na nila si Dionne. "Bakit ka nakatakas?" Tanong ni Adonis.

"Sikreto."

"Dionne, pwede ka nang tumakas!" Sabi ni Ursula.

"Pakawalan niyo siya." Parang hindi narinig ni Dionne si Ursula at bigla itong umatake ng sipa. Naiwasan agad ni Adonis at sinangga ang baston nito na mas malaki sa baston ni Alyana.

Umatake ito ng paulit ulit para hindi makalapit si Dionne. Umatras si Dionne. Napatingin siya kay Ursula na lalong hinigpitan ng mga sundalo.

"Hindi mo siya maililigtas!" Umatake si Adonis. "Poison Ivy!" Nakabuka ang kamay nito.

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon