130. The Black Widow

104 48 1
                                    

"Wala akong magagawa diyan. Hindi ko kayo hinihikayat na sumama sa digmaan." Sabi ni Matt sa pagpapatuloy ng pag-uusap nila.

"Ano ang silbi nito?" Sagot ni Dionne.

"Gusto ko lang itama ang lahat. Inaamin kong mahalaga ka sa'kin dahil nasa Green Island ka. Kaya tutol akong hanapin mo si Greg sa dahilan na gusto mo lang siyang makausap para makalaya ka sa mga isipin mo."

"Mahalaga na malaman ko ang lahat. Pero nagpapasalamat ako sa'yo. Hindi ko pwedeng baliwalain 'yang sinabi mo. Ngunit kinalulungkot ko, sariling misyon ko ito na hindi ko hinihingi ang opinyon ng iba. At nagpalasalamat ako dahil din tutulungan mo ako."

"Tutulungan kita dahil mahalaga ka sa'kin. Ang mahalaga sa bansa ng Green Island ay mahalaga sa'kin dahil kay Greg. At hindi namin sisimulan ang lahat kung wala si Ursula. Siya lang ang pwedeng makasama mo."

"Pasensya na kung hindi ko kayang sundin ang gusto mo."

Nagsalita si Warhington. "Tapos na ang Era at magbubukas na ng panibago. Nasisiguro ko 'yan. Panahon na ngayon ng pantay pantay hindi kagaya noon. Dumami na ang malalakas sa Warzone. Nag-iba na ang ihip ng hangin mula nang mawala si Greg tatlong taon na ang nakakalipas. Hindi parin siya mabura bilang most wanted pero tapos na. Panibagong kabanata na ang susuungin natin."

"Sang-ayon ako." Sabi ni Matt. "Tapos na ang Era natin pero isasara ko ito sa matinding laban at pagkatapos nun ay mawawala na ang mga masasama. Tinitiyak ko 'yan. Babalik sa dati ang mundo."

"Umaasa akong makakabalik kami." Sabi ni Ursula. "Hindi kami pupunta doon para makipaglaban lang."

"Alam mo ang buhay doon." Sabi ni Warhington. "Sa ayaw mo't sa hindi haharapin mo ang kalaban."

"Alam ko. Iba parin ang patay kung patay. Wala akong plano na tapusin ang sino man doon. Ang mahalaga, makarating kami at matapos ang misyon, tagumpay man o hindi."

"Mag-iingat kayo." Sabi ni Karen. "Gusto ko kayong tulungan pero pagtapos nito't makabalik ako. Hindi ko alam ang sasabihin sa akin. Hindi ko alam kung alam nila ang tungkol dito."

"Alam mo ang tama at mali, Miss Wong." Sabi ni Matt. "Kaya ka nandito ay dahil napatunayan mong nasa mali ka nakapanig."

"Hindi naman. Hangga't maaari ay gusto kong magkaayos ang lahat. Ang sindikato ni Chinchao ang nagpatunay na pera lang naman ang habol nila. Ang paghihirap ng iba sa droga ay baliwala sa kanila pero ang pinaka-layunin ay kumita ng malaki kaya protektado ang sindikato."

"Pareho din 'yun sa layunin nilang mapabagsak ang mundo." Sabi ni Dionne. "Naiintindihan ko si Greg kaya gusto ko siyang makausap. At kung wala na talagang pag-asa, wala na akong magagawa. Ang mahalaga, sinubukan ko. Gaya ng pagsubok kong mapabagsak si Chinchao kahit hindi ko sigurado kung tama ba ang gagawin ko sa una pa lang. Ayokong hindi ko ginawa ang dapat gawin dahil hindi ako matatahimik. Kung iniisip mong dahil sa pera ito, malamang tama ang nalaman ko. Gusto nilang maghari sa mundo na sinisimulan na nila ngayon. Napigil lang dahil kay Greg."

Tumingin ang lahat kay Dionne. "Eksakto." Sabi ni Matt. Ngumiti si Warhington. "Noong una, gusto kong kausapin si Greg at maniguro. Pero ngayon bakit pa kung kaya ko naman gampanan ang hindi niya natapos. Naghihintay lang ako at naisip ko 'yun nung masawi si Vince. Naisip kong tumatanda na ako. Sa edad na limang pu. Wala na ako sa kainitan sa pakikipaglaban pero kaya ko pa. At kayo ang mga bata na dapat sumunod sana ay magsisimula sa panibagong kabanata na hindi maiisip ang naisip ni Greg dahil matindi na ang labanan ngayon. Kaya hanggang sa huli ay kailangan kong magmadali hanggang nasa sitwasyon pa na medyo magulo. Kapag makontrol na ni Gold Smith ang kalahati sa mundo ay hindi natin alam ang mangyayari. Nakakatakot na."

Dead Or Alive [Volume 2]Where stories live. Discover now