108. Unexpectable

243 13 2
                                    

May nagaganap na pagpupulong ang mga Heneral. Nagsalita ang pinakapinuno nila na nasa isang mahabang lamesa. "Naninindigan akong planado ang lahat ng ito." Sabi ni Gold Smith na medyo dismayado.

"Pwede 'yang iniisip niyo." Sumagot si Shin. "Pero napakaperpekto naman yata. Mula sa pagdukot sa Presidente at pag takas ng mga bato."

"Walang makakapagsabi ng totoo." Sabi naman ni Rece na tumayo pa sa upuan. "Pero iisa lang ang akin. May sumabotahe sa atin."

"Teka, hinay hinay lang. Paano mo nasabi na may sumabotahe sa atin? Ipaliwanag mo?" Tanong ni Shin na napatayo na.

"Ibig kong sabihin, itinakas ang bato." Tumingin si Rece kay Shin. "May tumulong sa kanila. At ngayon hindi ko na makita sa radar natin ang mga bato."

Ngumiti si Shin. "Bakit ba ang iniisip mo ay ang mga bato? Kaligtasan ng Presidente ang inaalala natin dapat. May palagay akong buhay siya kaya huwag muna tayong magpapasya kung ano ang dapat na gawin."

"Inaalala ko naman ang Presidente. Ang akin lang, bakit nangyari sa atin ang lahat ng ito?"

"Huwag kang mag-alala. Baka buhay ang Presidente. At ang problema mo sa mga bato ay isang tabi mo na lang muna."

"Pa'no mo nasabing baka buhay ang Presidente?" Tanong ni Gold Smith kay Shin.

"Madali lang naman mahulaan 'yan. Una, si Greg Yamashita ay matalik mong kaibigan." Nagtawanan ang lahat maliban kay Gold Smith. "Pangalawa, sanggang dikit si Matt Jones at Greg. Marahil gusto ka nilang matuwa kaya ililigtas nila ang Presidente."

"Hindi ito oras ng biruan, General Shin." Nakangiti lang si Shin. "Seryoso na ang mga nangyayari." Tumayo si Gold Smith. "Paki sabi nga kay Kevin gusto ko siyang makausap ngayon din!" Utos niya sa isa sa mga tauhan na nasa paligid. "Tatapusin ko na ang pulong na ito dahil wala na itong patutunguhan. Kakausapin ko si Kevin dahil siya ang nakakaalam ng misyon sa bato." Lumakad palalayo si Gold Smith pero nanatiling nakangiti lang si Shin habang nakatingin dito.

Umalis na din si Shin pagkatapos. "Sandali." Nakita niya si Rece na hinawakan siya sa balikat. "Ikaw lang naman ay may konting pagtutol sa bato. Hindi kaya isa ka sa nagplano na maitakas ang bato?" Inalis ni Shin ang kamay ni Rece sa balikat niya at humarap.

"Masyadong perpekto kung pinlano ito. At kung isa man ako sa nagplano ay ikinalulugod ko 'yun dahil ikaw na din ang nagsabi na tutol ako sa mga bato kaya hindi malayong mangyari ang iniisip mo. Isa pa, balita ko ay ang nagngangalang Dionne Parker at mga kasama nito ang nagtakas sa bato. Paano ako magkakaroon ng koneksyon sa kaniya? Nakita mo naman 'di ba? Kung totoo ang balita na kasama nila si Karen ay mahihirapan kayong mabawi 'yun. At tuluyan nang lalayo si Karen sa inyo."

"Alam kong planado ito dahil nakaharap ko si Ursula." Nagulat si Shin. "May hinala ako na salungat sa'kin si Kevin at sila lang naman ni Karen ang madalas kong nakikitang nag-uusap ng seryoso. Pinlano niyong samantalahin ang pagkawala ng mga Heneral dahil sa pagpupulong at idahilan si Karen na ang bahala sa lahat kaya panatag kami. Ano ngayon ang koneksyon ng Dionne Parker na 'yun kay Ursula at ano din ang kinalaman nito sa pagsusumbong ng ilan na sumama si Karen sa grupo ng tumakas sa bato. Alam ko din may kinalaman si Kevin doon lalo na kay Karen kaya malalagot kung sino man ang nasalikod nito."

"Sigurado ka ba sa mga binibintang mo?"

"Hindi pagbibintang iyon. Lalo't napatunayan kong may hinala kang buhay ang Presidente sa pagdakip dito ni Matt Jones kahapon lang. Si Ursula ay kagrupo ni Matt Jones na pumrotekta sa bato. Sa tingin mo nagbibintang ako?"

"Malalaman mo na lang pagtapos mag-usap ni Kevin at ni General Gold Smith. Alam kong naghihinala din siya kagaya mo. At kung naghihinala kayo ay positibong kayo nga ang may planong magpapatay sa Presidente at hindi ang mga banta ng Titan Terrorist."

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon