175. Ang Muling Panaginip

32 1 0
                                    

SEASON 8: King Canibus

Narinig ni Sono ang paparating na helicopter kaya gumuhit ang masaya nitong mukha.

"Lolo! Lolo!" Sigaw niya dahil bukod sa kaniya ay naghihintay din si Demetri sa pagbabalik niya sa itaas ng palasyo.

"Siguradong si Dionne na nga iyan." sabi ni Demetri.

Lumapit si Demetri kay Sono kasama ang ilang tauhan. Nakangiti naman si Sono habang tinitignan ang helicopter na palaki ng palaki. Sa itaas pa lang ay kumakaway na si Dionne. Nakangiti ito.

"Ate Dionne!" sigaw ni Sono.

Hanggang sa dahan dahan bumaba ang helicopter kaya sinalubong na agad siya ng ilang tauhan. "Binibini, maligayang pagbabalik."

"Salamat." tugon ni Dionne at sinalubong ang tumatakbo na si Sono upang yakapin siya. Ginantihan din niya ito ng yakap.

"Ate, akala ko hindi ka na babalik." sabi ni Sono habang nakayakap.

"Pwede ba iyon?" sagot ni Dionne at napatingin siya kay Demetri. "Lolo, kamusta ka?"

Bumitaw si Dionne kay Sono at lumapit kay Demetri para yakapin din ito. "Wala naman kaming naging problema."

Bumaba sila at nasalubong si Kaled. "Dionne." sabi nito habang nakangiti.

"Kaled." nginitian din siya ni Dionne at niyakap.

Nagpunta sila ibaba ng palasyo at maraming sumalubong sa kaniya na tao. "Binibini, anong nangyari sa'yo?" sabi ni Elias na tila nag aalala.

"Ayos naman ako." sagot ni Dionne.

Matapos makausap ni Dionne ang ilang opisyal ng palasyo ay agad siyang pumasok sa kwarto niya kasama si Sono. "Ate, malapit na magsimula ang klase namin." sabi ni Sono.

"Oo, sa lalong madaling panahon. At pag igihan mo ang klase dahil sa ibang bansa kayo papasok sa susunod na taon." sagot ni Dionne at humiga.

"Bakit?"

"Hindi lang naman ikaw. Marami kayo. Sa susunod na buwan ay dadating ang karagdagang guro at mga gamit sa eskwela upang maturuan kayo ng ilang mas advance na aralin."

"Ganun ba? Paano ka? Maiiwan ka dito?"

"Huwag kang mag-alala, dadalawin kita. Doon kayo sa Japan dadalhin."

Sumimangot si Sono. "Sa ina ko?"

"Huwag kang mag-alala, mabait siya. At kasama mo naman ang ilang mga kaklase at kalaro mo."

Yumuko lang si Sono at isang katok ang narinig nila. "Pasok." sabi ni Dionne kaya pumasok ang isang kasambahay.

"Binibini, may pinapaabot sa'yong balita si Haring Demetri." Binigay ng kasambahay ang isang dyaryo. Kinuha ito ni Dionne. "Basahin mo ang isa. Tungkol ito sa isang kaharian sa Asya na namatay ang hari dahil nilusob ito ng mga tao. Nagkaroon ng rebulusyon sa lugar."

"Talaga." pagtataka ni Dionne.

"Opo, Binibini. Basahin niyo para malaman niyo ang kabuuan."

"Ano ba ang kahalagahan niyan?" sinimulang basahin ni Dionne.

Nagulat siya sa nabasa niya. Nagtaka din si Sono. "Ate Elena, ano ba ang nakalagay sa dyaryo?" bulong ni Sono sa kasambahay.

"Hindi ko din alam pero ang mga kaibigan niya ang nanguna sa paglusob at pumatay sa hari."

Napatingin si Sono kay Dionne. "Sino sila?" tanong uli ni Sono.

"Sila Luna "

"Si-si Ate Luna?" nabigla si Sono. Naalala pa niya nang magpaalam ito na aalis. Nalungkot siya dahil wala din si Dionne sa mga oras na iyon.

Dead Or Alive [Volume 2]Where stories live. Discover now