160. Ang Plano Ng Rajah

48 2 0
                                    

Nakasakay sa karwahe si Luna at Andrei habang kausap niya si Jessica gamit ang telepono. "Hindi kami makakapunta ngayon." Sabi ni Jessica.

"Bakit naman?" Tanong ni Luna.

"Marami kaming trabaho."

"Saan?"

"Basta hindi kasi pwedeng iwan si Senyora Claudia, mga ilang araw pa. Makakapag hintay ba kayo?"

"Hindi na."

"Bakit?"

Nagtaka si Andrei sa reaksyon ni Luna. "Wala nang oras. Basta, tatawagan na lang kita kung kailangan na kayo para mahintay namin kayo. Pero sa ngayon, aalamin muna namin ang galawan dito. Pagtapos, malalaman din namin kung paano mapagtatagumpayan ito."

"Oh sige. Kayo na ang bahala. Pero ano mang oras kapag pwede na kami at kailangan ng tulong namin, pupunta agad kami."

"Sige, bye!"

Kalmadong inilagay ni Luna ang telepono sa bag niya. "Ano daw ang sabi?" Tanong ni Andrei.

"Wala naman. Marami daw silang trabaho." Sagot ni Luna.

"Makakapunta ba daw?"

"Mukhang hindi na."

"Ano?"

"Marami daw silang ginagawa. Hindi pwedeng iwan ang senyora."

"Paano tayo makakapag plano niyan?"

"Hindi ko alam." Inalis ni Luna ang tingin niya kay Andrei.

"Apat lang tayo. Paano natin tatapusin ang Rajah?"

"Kaya natin 'yan."

"Hindi natin alam ang kaya niyang gawin."

"Kailangan nating ipakita kay Dionne na kaya natin. Hindi niya alam ito kaya kung papalpak tayo, magagalit siya sa'tin. Hindi kasi tayo humingi ng tulong sa kaniya."

"Ewan ko. Wala man lang tayong dalang rifle. Puro maliliit na baril lang ang dala natin."

"Planuhin natin. Kailangan natin siyang matunton ng harapan. Doon tayo kikilos."

"Paano ang mga sundalo na binabantayan siya?"

"Kailangan nasa labas sila kapag nakaharap natin siya."

"Imposible 'yang sinasabi mo, Luna."

"Basta, magplano tayo. Balita ko may mga bisita na pinapatuloy ang palasyo. Gagawa tayo ng paraan para maging bisita ng Rajah."

Patuloy lang sa pagtakbo ang kabayo. May ilan na napalalingon kay Luna kaya agad naman ginagandahan ni Luna ang tingin sa mga ito. Hanggang makarating na sila sa destinasyon.

"Anong lugar ba 'to?" Tanong ni Andrei kay Jethro at Tina.

"Ito ang Turtle Town. Dito matatagpuan ang Kaharian ng Rajah. Napag-alaman namin na si Wanjinhi ang Rajah dito." Sabi ni Jethro.

"Maglakad muna tayo." Sabi ni Andrei.

Naglakad sila sa kahabaan ng kalsada. Nakatingin lang si Luna sa Palasyo sa 'di kalayuan habang naglalakad sila. Si Andrei naman ay nakamasid din.

"May napansin ba kayo?" Seryosong tanong ni Luna.

Napatingin lahat sa kaniya. Nagtaka si Tina maging si Andrei. "Ano 'yun, Luna?" Tanong ni Tina.

"Tinatanong ko lang."

Nabigla sila sa sinabi nito. "Akala ko naman kung ano." Sabi ni Andrei.

"Kailangan nating magtyag 'di ba?" Sabi uli ni Luna.

Dead Or Alive [Volume 2]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن