133. Ang Ina Ni Sono

98 24 2
                                    

Dumating ang kinabukasan pero hindi nagawang tumawag ng inaabangan nila kaya ngayong oras ng pagsasanay ng mga estudyante ay ipinakilala si Dionne sa mga baguhang mag-aaral.

"Siya nga pala si Dionne Parker. Isa siya sa mga estudyante ko noon." Pakilala ng guro at binati siya ng mga ito. "Susubukan niyang makatulong sa inyo kahit konti."

Suot ni Dionne ang tradisyonal na inuporme ng mga Haponesa sa eskwelahan na iyon. "Maraming salamat, Sensei." Humarap si Dionne sa mga estudyante.

"Nasa ika-apat na hakbang na sila sa taon na ito." Sabi ng guro.

"Marunong na silang lumaban kung gan'on." Sabi ni Dionne. Humarap siya sa mga estudyante. Sampu ang tinuturuan at kalahati ay puro babae. "Maraming babae ngayong taon."

"Oo dahil napag-alaman nila na kailangan ang babae dahil madali silang matuto kaysa sa mga lalaki." Tumango si Dionne. "Ang iba ay inutusan ng Gobyerno at ang iba ay gusto naman talagang matuto. Mas masisipag sila kaysa sa mga lalaki. Hindi nagkamali ang Gobyerno dito sa naisip."

"Ganun ba?"

"Pero huwag kang mag-alala, susunod sila sa'yo. Sila ang mga baguhan at mamaya ang mga mahuhusay na. Kailangan mo silang makita."

"Sige, Sensei."

"Aalis muna ako."

Umalis ang guro. "Makinig kayo, mas maiging pakinggan niyo ang sasabihin ko. Nangapa ako sa una pero madali ko itong nalampasan. Alam kong mahihirapan kayo at ang iba ay susuko kung mahihirapan. Ako na ang magsasabi na oras na hindi kayo sumuko, hindi kayo magsisisi." Tumango ang mga mag-aaral.

"Gusto kong gayahin niyo ako. Madali lang ito hindi kagaya ng mga susunod na ituturo dahil sa ikalimang yugto nito ay talagang doon masusukat ang lakas ng mga katawan niyo upang palakasin." Pumikit at huminga ng malalim si Dionne at ang kamay ay tila nagdadasal. "Umisip kayo ng magagandang bagay at sampung segundo kayong huwag huminga." Matapos ang sampung segundo ay dumilat si Dionne. "Sige dumilat kayo. Kailangang tapat kayo sa'kin para matuto."

"Opo!" Sabay sabay na sagot.

"Ano ang pakiramdam?"

"Lumakas ang tibok ng puso ko." Sagot ng isa.

"Unang hakbang lang muna. Ulitin niyo ito ng ulitin kapag wala kayong ginagawa. Gusto kong turuan kayong tumawag ng Elemento." Tumango ang lahat. "Kailangan niyo sauluhin ang mga ipapagawa ko."

"Opo!" Sagot uli ng lahat.

"Matapos niyong hindi huminga ng sampung segundo, humakbang kayo at iharap ang palad sa harap." Ginawa nila. "Isara ang kamao sa kabilang kamay dipende kung saan kayo mas sanay. Nakayuko ng bahagya at medyo nakatupi ang paa." Sinunod siya ng mga estudyante. "Gawin niyong blanko ang utak niyo sa pamamagitan ng pagsalita ng Kamikaze."

Ilang oras ang lumipas. Dumating ang guro. Napansin nila na tumatakbo sa kaliwat kanan ang mga estudyante nang paulit-ulit. Ngumiti siya habang nakamasid.

"Bilisan niyo hanggang maabot ng lakas niyo. Walang mapapagod! Hindi kayo kailangang tumakbo pasugod dahil mas malilito ang kalaban kung sa gilid niyo aaralin na tumakbo ng mabilis." Paulit ulit na tumatakbo pabalikbalik na patagilid ang mga ito habang nakaharap sa kaniya.

"Masyadong advance 'yan." Kumento ng guro.

"Sasamantalahin ko lang." Sagot ni Dionne. "Mas maigi 'yan at kung magtatagal ako ay susuotan ko sila ng mga mabibigat na bagay. Pero ito lang ang kaya kong ituro para madagdagan ang ideya nila sa pakikipaglaban."

Maya maya lang ay sabay sabay silang ginawa ang itinuro ni Dionne. Humakbang sila at isinara ang kabilang kamay habang nakaharap ang palad.

"Kamikaze!" Sabay sabay na bigkas ng mga ito.

Dead Or Alive [Volume 2]Where stories live. Discover now