104. Civil War

308 17 0
                                    

Tumingin ang dating Heneral sa kasama ni Karen na si Agatha. Napansin niya ang letra ng 'G' sa suot nito.

"Ikinatutuwa ako ang naging pasya mo. Pero ang kasama mo ay isang Guardian, 'di ba?"

Tumingin sila kay Agatha. "Isa siyang mapagkakatiwalaang Guardian." Sabi ni Karen. Nakatingin lang sa kaniya si Agatha. "Nasa ilalim siya sa pangangalaga ni General Rece."

Ngumiti si Warhington. "Hindi siya matuwid pero matapat. Hindi ko siya kailangan dito. Ngayon kung kailangan mo siya, mas maiging mag-usap kayo dahil papaalisin ko siya." Nagawi ang tingin niya kay Eagle. "Andito ka pala. Anong nangyari sa'yo?" Bakas sa mukha ni Eagle ang pinsala at ang telang nakapalibot sa ulo nito.

"Konting galos lang." Sagot ni Eagle. Nakaupo ito at tila nahihirapan pang lumakad.

"Agatha!" Bigkas ni Karen sa pangalan nito. "Alam kong tapat ka sa Gobyerno. Hindi kita masisisi kung hindi ka sasama sa amin. Napagtanto ko na ang lahat. Kung pagduduktong duktungin ko lahat ng karanasan ko mula nung ako'y Private pa lang, naisip kong may mali nga sa pinaglalaban natin."

Ngumiti si Warhington. "Ang Guardian ay ang walang karapatang maging sundalo. Binuo ito ni Rece at inaprubahan ni Gold Smith nung ako'y Heneral pa. Tutol ako noon dahil alam ko na ang kalakaran nila. Alam kong gagamitin sila para lalong mapadali ang pagsakop sa mundo. Ang kinukuha nila ay ang mga patapon ang buhay na malalakas at kasapi sa malaking hukbo. Hindi ko alam kung saang hukbo ka kasali, Agatha. Pero kinalulungkot kong kahit sumapi ka sa amin ay hindi kita papayagan na mamalagi dito at hindi kita ituturing na kakampi at lalong hindi ka kasama sa makakaalam ng misyon."

"Kilala kita Mr. Warhington." Sagot ni Agatha. Tumingin sa kaniya ang lahat. "Isa ka sa mga Heneral na hindi kaalyado ni Gold Smith kaya lahat ng mungkahi niya ay tinututulan mo. Ganun din naman siya sa inyo. Wala akong nakikitang mali pero ang nakikita ko ay politika. Hindi ko masasabi na tama ka at kung saan ako kasapi ay doon ako. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan si Gold Smith dahil siya ang umaruga sa akin sa tulong ni General Rece. Hindi ko kayo masisisi. Ang sinumpaan namin ay sundin ang utos ni Rece at 'yun ang gagawin namin. Kahit patayin niyo pa ako ay handa ako. Handa din ako sa ano mang mangyayari sa akin. Kaibigan na ang turing ko kay Karen.." Napapikit si Karen habang nagsasalita si Agatha. "Sa mundo walang totoo. Lahat ay mali. Kaya huwag niyo akong sisihin. Kahit ako ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang tama. Ako'y nagmula sa mahirap na pamilya sa Africa. Natutong gumawa ng krimen at samu't saring paghihirap ang pinagdaanan ko. Wala nang saysay ang buhay ko at gusto ko nang mamatay. Hanggang sa hinuli ang grupo namin ni General Rece. Ako ang napili niya na umanib bilang maging Guardian dahil sa katapatan ko sa pinuno namin. Ang pinuno namin ay namatay matapos makipaglaban sa Heneral. Isinusulong namin ang karapatan namin bilang tao pero nakita kong mabuting Heneral si Rece. Ayaw niyang matapos lang lahat sa wala ang nangyari sa amin. Tumutulong ako sa kapwa ko mahirap hanggang ngayon dahil sa tulong ng trabaho ko. Pinangako ko sa sarili kong magiging tapat ako hanggang sa huli maging kay Karen. At lahat ng utos niya ay susundin ko dipende kung ito ay pabor sa Heneral. At ngayon, nakikita kong hindi pabor ang pasya niya. Kaya wala na akong magagawa pa."

Nakatingin lang ang lahat sa kaniya. "May tanong lang ako." Sabi ni Warhington. "Ano ang koneksyon mo sa labas ng Gobyerno?"

"Ang kapalit ng pagsapi ko ay ang paglaya ng mga kasamahan ko. Nanantili silang lumalaban sa karapatan. Kaya hanggang ngayon ay nasa bansa namin sila upang galamay ko. Masasabi kong tutol sila sa pamamalakad sa bansa pero kaalyado namin sila. Sa makatuwid, walang gagalaw sa kanila dahil hawak ko sila na pumalit sa pwesto ng pinuno. Kami ang kinikilalang tutol sa Gobyerno namin. Hindi ibig sabihin ay tutol din ako sa Gobyerno dito. 'Yung karapatan lang namin ang pinaglalaban ko dahil inaari na nila ang lahat. Si General Rece lang ang nakatulong namin. Hindi ko din sinasabi na tama kami pero walang tama sa mundo. Lahat ay may dahilan."

Dead Or Alive [Volume 2]Where stories live. Discover now