105. Ursula Vs Rece

278 17 0
                                    

Binabaybay ng grupo nila Dionne ang papunta sa lugar kung saan ang sinabi ni Warhington. "Nagtataka lang ako." Sabi ni Karen habang sakay sila ng malaking sasakyan. Nakatingin lang ang lahat sa kaniya. "Hindi kaya manganib sila doon? Magtataka ang mga sundalo kung bakit may barko na umaaligid sa karagatan dito sa America."

"May palagay akong nasa malayo sila." Sagot naman ni Dionne.

"Wala akong mapupuntahan ngayon kundi umuwi o magbakasyon saglit. Papalamig at aalamin ang reaksyon ng mga Heneral. Kaya hindi talaga ako makakatulong sa inyo. Hindi ko pwedeng labanan si Vince o lumantad bilang kalaban niya."

"Ako na ang bahala. Wala naman sa'kin 'yun."

Hanggang matapos ang anim na oras na paglalakbay ay tumigil ang sasakyan. Dumilat silang lahat at napansin nila na madilim na.

"Ayon sa sinabi ay dito tayo maghihintay." Sabi ni Steven na siyang nagmamaneho.

"Sobrang pagod na ako. Ang sakit na ng katawan ko. Kailan ba tayo magpapahinga?" Reklamo ni Andrei na nagising sa pagkakatulog.

"Konting tiis pa." Sabi ni Dionne. "Pagtapos nito ay sasakay tayo ng barko papunta sa kabilang bansa upang doon sumakay ng eroplano papuntang bansa na katabi ng Green Island at sasakay uli tayo ng barko papunta doon. Baka bukas pa tayo mabigyan ng sapat na pahinga." Lumabas si Dionne sa sasakyan at kinuha sa bulsa ang telepono.

Nakatingin lang sa kaniya si Karen habang hindi bumababa kasama ang lahat. Si Dionne lang ang tanging lumabas ng sasakyan. Maya maya lang ay lumapit ito sa kanila matapos makipag usap.

"Luna, sumama ka sa'kin. Sasalubungin natin si Tina at Jethro." Hiling ni Dionne dito at agad itong lumabas ng sasakyan.

"Sigurado na bang si Tina ang parating?"

"Oo, ligtas sila. Hindi ko alam kung paano sila napunta sa grupo na iyon."

"Sandali lamang, Dionne!" Sabi ni Karen. Tumingin si Dionne. "Para sa kasiguraduhan, huwag mong ititimbre na kasama niyo ako dahil baka magkagulo. Alam kong wala silang pakay na labanan ako pero mas maigi na 'yung sigurado."

"Naiintindihan ko." Tumango lamang si Dionne.

Nagsimula silang maglakad. Kitang nila ang maraming ilaw sa paligid ng dagat at ang kawalan sa harap nila na wala na silang makita kundi dagat na nag-uugnay sa kabilang isla. Tumigil sila sa isang tulay na napakalaki at hindi gaanong dinaanan ng mga sasakyan.

"Dito muna tayo." Sabi ni Dionne.

"Nasasabik akong makita si Tina. Matagal din kaming hindi nagkikita. Ang akala ko napahamak na siya." Tugon ni Luna.

"Hindi ko din alam ang dahilan. Marahil isinama sila doon nang malaman na mga kriminal sila. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit ako pinag aagawan ng dalawang malalakas na sundalo gaya ni Karen at Kevin."

"Sino si Kevin?"

"Isa sa Special Forces na kapareho ni Karen. Iba sila sa mga nakalaban natin dahil malakas ang lalaking 'yun." Tumingin siya sa kamay niya. "Halos mamanhid ang kamay ko sa lakas ng technique na ginawa ni Karen sa'kin kanina."

"Naglaban kayo?"

"Muntik na. Inawat kami ni Andrei. Malakas si Karen at alam kong mahihirapan ako sa kaniya. Swerte lang kami dahil wala si Clark at Kevin sa Pentagon na kinaroroonan ng myembro ng Special Forces. Tanging si Karen lang ang banta sa kanila na pumanig din sa'min sa huli. Nakita ko kung paano sila naglaban ni Kevin at masasabi kong malakas na tao si Kevin dahil napigilan din niya ang Tornado ni Karen na isang ipo-ipo na ang tanging nakakagawa lang ay ang mga gumagamit ng hangin na kagaya ko. At dahil hindi ko pa ganap na natututunan ang lahat ay alam kong beterano na si Karen pagdating sa hangin."

Dead Or Alive [Volume 2]Where stories live. Discover now