139. Ang Patibong Ni Adonis

108 30 0
                                    

Nagkatinginan ang dalawa dahil pitong sundalo ang nakaabang sa kanila.

"Ursula!"

Ngumiti si Ursula. "Bakit?" Hinubad niya ang nakabalot sa ulo niya. "Pa'no niyo nalaman na ako ito?"

"Sino ang kasama mo?"

"Hindi niyo na malalaman. Umalis na kayo dahil tatakas lang naman kami at wala kaming paki-alam kay Adonis."

"Huwag kayong mag-alala. Hinihintay talaga kayo ni Adonis. Gusto niya kayong patuluyin sa mansyon."

"Imposible." Nakikinig lang si Dionne sa usapan nila at hindi kumikilos.

"Maniwala ka, Ursula. Nalaman namin kay Sigprid na dumaan nga kayo sa Heron tama ba?"

"Ano naman ngayon?"

"Hindi namin kayo tinutukan ng baril dahil wala kaming planong hulihin kayo?"

"Bakit alam niyo na papunta kami dito?"

"Hindi namin alam. Hindi namin inaasahan na makikita namin kayo dito ngayong gabi. Gwardyado ang lugar na ito umaga hanggang gabi. At utos ni Adonis na patuluyin kayo dito kapag nakita namin kayo."

Sinenyasan ni Ursula na lumapit si Dionne at binulungan ito. "Hindi tayo sigurado sa kanila pero mukhang magkakaproblema kapag tumakas tayo. Baka pag-isipan tayo ni Adonis. Lalo tayong mahirapan."

"Ano ang plano mo?"

"Kakausapin ko siya na protektahan ang Josue para pagbalik natin, maayos sila. Saka tayo magplano para maitakas ang mga tao doon."

"Delikado 'to."

"Bakit?"

"Hindi natin alam ang plano nang Adonis na 'yan. Tumakas na lang kaya tayo?"

"Hindi niya alam ang pakay natin. Sasabihin kong dumalaw lang tayo para ipakilala sa'yo ang Warzone. Ipapakilala kita sa kaniya. Sagot kita. Respetado niya ako at wala siyang paki-alam kay Vince."

"Sigurado ka?"

"Pumayag ka na. Para sa mga tao ito."

"Bahala na."

Tumingin si Ursula sa mga sundalo. "Papayag kaming tumuloy. Nasaan si Adonis?"

"Andoon siya sa kwarto niya nagpapahinga na. Maniwala ka, Ursula. Wala siyang plano sa'yo na masama."

"Makakausap ba namin siya ngayon?"

"Oo."

"Sige."

Lumakad sila kasama ang mga sundalo hanggang makapasok sa mansyon. Tinawagan ng isa si Adonis. "Boss Adonis. Andito na ang inaasahan mo." Ibinaba ang telepono. "Tuloy kayo."

Hanggang sa nakita nila si Adonis. Mahaba ang buhok nito at diretso ang hibla. Napatingin ito kay Dionne. "Maupo kayo."

Umupo sila. "Kamusta ka, Adonis?" Nakadekwatro pa ito habang nakaupo at may dalang baston na mataba. "Hanggang ngayon pala dala mo pa 'yang baston mo."

"Nasanay na akong hawak ko ito. Oo nga pala. Salamat at pinaunlakan mo ang pa-anyaya ko. Sino nga pala ang kasama mo?"

Sinenyasan ni Ursula si Dionne na hubarin ang nakatakip sa mukha nito kaya tinanggal din ito agad. Tinignan nila ang reaksyon nito. Napansin nila na nagkaroon ito ng konting reaksyon. Tumitig ito kay Dionne. "I-ikaw pala."

"Kilala mo siya?"

"O-oo naman." Ngumiti ito. "Ikinagagalak kitang makilala." Nakatingin ito kay Dionne.

Dead Or Alive [Volume 2]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt