161. Kangjeon And Aroon

58 1 0
                                    

Nakatayo si Andrei sa tapat mismo ng palasyo. Maraming taong maglalakad sa paligid. Lumakad pa siya para lalong mapalapit. Nakita niya ang napakalaking bakal na pasukan at malaking bakod. Imposibleng makapasok ang mga tao dahil nakasara ito. Wala pa siyang ideya kung nasaan ang Rajah. Lumapit siya sa hagdanan. Sumilip siya at nakita niya ang daan pataas. Malawak ang hagdan at mataas ito. Kaya maliit lang ang nakikita niya sa itaas. May nakabantay na gwardya dito kaya walang pumapasok. Lumapit siya sa dalawang nakatayo na gwardya. "Hindi ba pwedeng akyatin 'yan?" Tanong niya at tinuro ang malawak na hagdan.

"Hindi pwede. Bawal ang umakyat diyan hangga't walang pahintulot." Sagot ng isang gwardya.

"Dayuhan ka ba?" Tanong naman ng isa.

"Oo." Sagot ni Andrei. "Mukhang maganda ang itaas niyan."

"Minsan lang isang buwan pwedeng umakyat diyan. Kapag gusto ng Rajah."

"Ganun ba? Ano ba ang makikita sa itaas?"

"Wala naman. Isang magandang tanawin lang dahil bubong na ito ng palasyo. May daanan din doon papuntang loob ng palasyo. Doon lumalabas ang Rajah kapag gusto niyang maupo sa trono niya."

"Doon ang trono niya?"

"Sa loob ang trono niya talaga pero nagpagawa siya ng isa pang trono para diyan sa itaas."

Napatango lang si Andrei. "Gusto ko kasing umakyat diyan." Sabi niya.

"Bawal e."

"Sige, saka na kapag pwede na."

"Hindi namin alam kung kailan."

Umalis si Andrei at may tinawagan siya. "Hello, Jethro." Sabi niya agad.

"Nasaan ka na?" Tanong ng kausap

"Andito ako malapit sa palasyo. Nagtanong ako sa gwardya kaya sana huwag na kayong magtanong dahil baka makahalata sila na may kasama akong tulad niyo. O baka malaman nila na magkakasama tayo."

"Ano ang sabi sa'yo?".

"Minsan isang buwan lang pwedeng umakyat ng mga tao sa hagdan. At hindi nila alam kung kailan. Kung kailan lang gusto ng Rajah."

"Ano ang kailangan nating gawin?"

"Hintayin natin ang oras na iyon kung hindi natin malalaman kung nasaan siya."

"Mukhang magtatagal pa tayo dito."

"Dipende sa sitwasyon. Pag-aaralan natin ang kilos niya o aalamin pa natin ang kakayahan niya. Sayang lang wala si Steven at Kelvin."

"Ibig sabihin, aatake tayo sa oras na lumabas siya?"

"Oo tama ka pero sa ngayon, maghihintay tayo at maghahanap ng impormasyon. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon dahil hindi ko na tinanong. Maigi na 'yung siguradong walang makakahalata na may nagpaplano sa Rajah."

Kasalukuyang nasa paligid lang si Jethro kasama si Tina. Namamasyal lang sila kung saan nakikita ang palasyo. "Mukhang normal na normal ang palasyo. Maganda ang palasyo kaya ang mga turista ang maninibago sa tanawin." Sabi ni Jethro kay Tina.

"Marami nga akong nakita sa internet na picture ng palasyo na ito." Sabi ni Tina at kinunan ng larawan ang palasyo.

"Kailangan nating makabuo ng isang picture ng palasyo sa isang malaking papel para alam natin ang mga pwedeng daanan."

"Kukunan ko siya ng iba't ibang anggulo."

-

"Hintayin mo lang na makarecover ka ng konte pa. Ipapahatid ka na ni Master." Sabi ng isang babae kay Dionne habang nakatayo ito at si Dionne naman ay nakaupo sa kama.

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon