123. Ang Pagtatapat Ni Damien

116 21 1
                                    

Nakatingin ang mga tao sa katawan ni Vince habang nanonood ng Tv. Nakita nilang patay na ito at sunog ang katawan. Hindi na ito halos makilala dahil sa pinsala nito. Nagpatuloy sa pagsasalita si Dionne.

"Marami sa mga tao ngayon ang hindi naniniwala sa mayroon tayong Panginoon. At kung ikaw man ay naniniwalang may Diyos na nakatingin sa atin ngayon.. dapat alam mong mali ang gagawin mong pakikidigma. Ang digmaan ay isang sagradong paraan para maipagtanggol natin ang sarili o ang mga kababayan. Hindi ito kailangang gawin upang may patunayan lang at ubusin ang dapat ubusin. Ang digmaan ay sa pagitan ng masama at mabuti. Hindi ito pwedeng gawin kung hindi na kinakailangan. Sa nakikita ko sa mundo ngayon, nagkalat ang mga kriminal na hindi natin alam kung tama ba ang pinaglalaban nila dahil napakarami nila. At kung sasapi sila sa mga mabubuti.. mas lalong hindi natin alam kung tapat ba sila o may masamang layunin din. Imposibleng gumawa ng maling krimen ang isang taong naniniwala sa Diyos. Imposibleng naniniwala sa Diyos ang mga taong sumasamba sa pera. Pakitang tao lang nila ang lahat para maging malinis sa mga taong naniniwala sa Diyos. Walang mangyayari kung may kasaping masasama sa mga mabubuti. Kaya itigil na ang digmaan!!"

Walang umiimik at seryoso lang ang lahat. May ilang reporter ang nakasaksi at nagsasalita tungkol sa nangyayari. Ibinalik ni Dionne ang mikropono sa babae.

Nagtanong ito. "Si-sino po ang may gawa nito kay Vince? Ikaw po ba?"

Biglang nagsalita si Rece. "Itigil na ang pagtatanong. Makakaalis ka na! Ibabalita namin ang ilan pa mamaya lang."

Hindi na kinuha ni Dionne ang mikropono. "Nasabi ko na ang gusto ko." Sabi niya.

Magsasalita pa sana si Rece nang may mga dumating. Nakita ni Dionne si Tina at Jessica, kasama si Steven at Jethro. Nalilito tuloy siya kung sino si Steven kaya napatingin siya kay Kelvin. Magkakaiba na sila ng suot at ayos ng buhok.

"Dionne!!" Sigaw ni Tina. Nakangiti ito at biglang yumakap sa kaniya.

"Arestohin ang mga 'yan!!" Utos ni Rece pero may nagsalita.

"Hindi mo magagawa 'yan, Commander!" Tumingin sila sa itaas. Nakita nila si Ursula at ilang mga kasama nito na nakaupo sa bubong. Nakarating din ang mga ito.

"At bakit nandirito ka?" Tanong ni Rece. Nakatingin lang din ang lahat kay Ursula. Bumaba ito sa bubong at naglakad.

"Dapat ay kanina pa ako nandito. Nahuli ako nang dating."

"Nasisiraan ka na talaga ng bait." Galit na sabi ni Rece.

"Masyadong malakas ang pwersa dito." Sabi ni Ursula at ngumiti kay Karen nang magkita sila.

Napayuko naman si Karen nang makita niya si Ursula. "Dadagdagan mo pa ang kasalanan mo?"

Pero dumiretso si Ursula kay Karen. Hinawakan ang balikat nito. "Kamusta ka?"

Saka napatingin si Karen kay Ursula. Magkatabi lang si Karen at Dionne. "Maayos naman." Sagot ni Karen.

"Kalimutan na natin ang nakaraan." Humarap siya kay Rece. "Hindi ko planong labanan si Vince at lalong wala akong kinalaman sa pagkamatay niya. Gusto ko lang linawin kung talagang totoong myembro ng Titan ang mga sundalo dito."

Ikinagulat ito ni Rece at ni Karen. At ang mga nakapaligid na sundalo ay nagulat din. "Bakit ka ganiyan magbintang? Ang mga sundalo dito ay pinadala lang ni Gold Smith dahil magulo ang East ngayon. Halos parang Warzone na ito kaya ganito dito."

"Nagtanong lang ako."

"Miss Ursula, salamat dahil dumating ka." Sabi ni Tina.

"Umalis ka na dito." Sabi ni Rece kay Ursula.

Dead Or Alive [Volume 2]Where stories live. Discover now