162. Pag-Imbita Kay Luna

46 2 0
                                    

Pumasok si Aroon sa loob ng bahay. Naghintay si Luna ng ilang sandali at maya maya lang ay lumabas ito. "Gusto kang makita ni Ina." Sabi nito sa kaniya.

"Ah ganun ba? Si-sige." Sagot niya.

Pumasok siya sa isang napakalinis na bahay. May narinig siyang boses. "Aron, baka naman hindi pa naka-ayos ang lahat doon?" Boses ng isang babae. Hanggang makarating sila sa isang babae na naka-talikod.

"Ina." Mahinang bigkas ni Aroon. Lumingon ito at iniwan sandali ang ginagawa.

"Sino siya?" Nabigla ito sa nakita.

"Ma-magandang araw po. Ako po si Luna." Pakilala niya.

"Iha, taga saan ka?" Tanong nito.

"Bakasyonista po ako. Nagkataon na muntik na akong mapahamak. Iniligtas lang ako ni Aroon."

Lumapit ang may edad na babae pero maganda ito sa paningin ni Luna. Hinawakan nito ang braso niya. "Bakit nag-iisa ka? Wala ka bang kasama?" Nakikinig lang si Aroon sa kanila.

"Mahilig po kasi ako mapag-isa. Hindi ko akalain na mapapadpad ako dito."

Napalingon lang si Luna kay Aroon. "Nay, mukha naman siyang mabait. Naghahanap siya ng matutuluyan. Sinubukan kong dito muna siya. Pero kung ayaw mo, tutulungan ko parin siya."

Sumagot ang ina niya. "Baka naman nabighani ka lang sa ganda niya?"

Nabigla si Aroon. "Ina, nag-magandang loob lang ako. Hindi ko naman kayo pipilitin kung ayaw niyo."

Tumingin uli ang babae kay Luna. "Ako nga pala si Japira. Ina ako ni Aroon. Ilang araw ka bang magtitigil dito?"

"Mga isang linggo lang." Sagot ni Luna.

"Isang linggo, baka maiksi iyon para sa'yo. O baka abala ka sa bansa niyo kaya nagmamadali ka."

"Hindi naman po. May gusto lang akong gawin dito. Hindi din naman ako gaanong abala."

"Ipapakilala kita sa isa ko pang anak."

Nagsalita uli si Aroon. "Pumapayag ka ba, ina?"

"Oo, gusto ko siyang dumito muna. Masaya akong magkaroon ng bisita na kagaya niya."

Ngumiti si Aroon at Luna.

Ilang sandali pa ay dumami ang mga tao sa labas ng bahay nila Aroon. Karamihan ay mga lalaki. Nakapalibot ito kay Luna. "Napakaganda mo, Binibini." Sabi ng isa.

"Salamat." Sagot ni Luna.

Nagsalita si Japira. "Hindi siya magtatagal dito kaya sana walang manunuyo. Masasaktan lang kayo."

Napakamot ng ulo ang isang lalaki. "May kasintahan ka na ba?" Tanong naman ng isa.

"Wala pa. Naghahanap pa lang." Sagot ni Luna at ngumiti.

Napakunot ang noo ni Aroon. "Nagbibiro lang siya." Sabi nito.

May narinig silang mga kabayo na paparating kaya naging seryoso ang mga itsura nila. Hanggang sa tatlong kabayo ang nakita nila. "Ano ang meron dito?" Tanong ng isa. Napatingin ito kay Luna. "Sino siya. May bago pala kayong bisita."

Nagsalita si Japira. "Kamag-anak namin siya. Sinubukan lang niyang magbakasyon sa amin dito. Hindi din siya magtatagal." Sabay kumindat ito kay Luna.

Bumaba ang isa mula sa kabayo. Lumayo ang mga babae na nakatayo. "Sa makalawa ang uwi ng Rajah." Sabi nito. "Nangangailangan ng maraming katulong sa kaharian." Sabi nito.

"Hindi pa ba sapat ang dami ng katulong niyo doon?" Tanong ni Japira.

"Ayaw kumuha ng Rajah sa mga trabahador doon dahil minamadali na ang lahat. Gusto ko ng kooperasyon niyo. Babalik ako dito at sana, nakahanda na kayo. Malalagot kayo sa Rajah kapag ni isa sa inyo ay walang dumating." Sumakay uli ito ng kabayo at umalis na ang tatlo. Tumingin pa kay Luna ang isa bago umalis.

Dead Or Alive [Volume 2]Where stories live. Discover now