165. Chakravat

40 2 0
                                    

Naglakakad si Wanjinhi at Luna paakyat. Nakakapit pa ito sa braso ng Rajah. "Bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong ni Wanjinhi kay Luna.

"Blangko ang isip ko." Dahilan niya.

"Sa ano sigurong dahilan, bakit medyo wala kang maisip?"

"Biglaan kasi ang pangyayari. Hindi ko akalain na magiging ganito ako ngayon."

"Ganun talaga ang buhay." Hanggang buksan ni Wanjinhi ang huling pintuan sa dulo ng nilakaran nila. "Hindi ka naman ba nainip kaka-lakad?"

"Ayos lang naman basta may kasama ako." Bumukas ang pinto at namangha si Luna sa nakita. Isang malawak na tila entablado ang nakita niya. Labas na ito at napansin din niya na parang nasa itaas sila ng gusali dahil nakikita niya ang kapaligiran. Lalo ang mga may ilaw na lugar dahil tahimik at mga sasakyan na galing sa itaas ng bundok na may mga ilaw.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ng Rajah.

"Oo." Simpleng sagot ni Luna. Napansin niya ang sahig. May mga nakaukit na salita dito. Lumakad silang dalawa hanggang marating nila ang isang trono. Parang kubo ang disenyo nito dahil ang bubong ng trono ay tila bubong ng maliit na bahay. Nabigla si Luna sa kisame nito. May isang krus dito na hindi niya alam kung nakaukit lang o talagang isang krus ito. Hindi na niya ito siniyasat. Naglakad pa sila at nakita ni Luna ang hagdan. Noo'y nasa ibaba siya at tinitignan ang itaas ng hagdan, ngayon naman ay nasa itaas na siya ng hagdan.

"Dito ako nagpupunta kapag masama ang loob ko." Sabi ni Wanjinhi. Nasa likod siya ni Luna.

"Ganun ba? Tingin ko nga, nakakagaan ng loob ang tanawin dito. Kahit madilim, makikita mo ang liwanag ng kapaligiran dahil sa mga ilaw."

"Mas gusto kong pumunta dito kapag may araw pa. Lalo akong nalulungkot kapag gabi."

"Hindi ka dapat malungkot, Wanjinhi. Lungkot lang ng nakaraan ang nararamdaman ko na nagpapasaya din minsan."

"Tama ka."

-

Nakaupo si Andrei, Tina at Jethro malapit sa palasyo. Nag-iisip sila ng plano. Hanggang mapansin nila na bumukas ang ilaw sa gawi ng itaas ng hagdan. "Jethro, nakita mo ba ang gilid ng itaas ng palasyo?" Tanong niya.

"Oo. Mukhang may lumabas na tao."

"Maghanda tayo."

"Sino kaya sila?" Tanong naman ni Tina.

"Ayon sa nakita ko kung gaano kalapit ang Rajah kay Luna," Sagot ni Andrei. "Malaki ang pag-asa na si Luna at ang Rajah ang lumabas diyan."

"Kung ito na nga ang pagkakataon, paano natin sisimulan?" Tanong ni Jethro.

"Maghintay lang tayo." Sabi uli ni Andrei. "Si Luna na mismo ang ma-uuna. Mararamdaman natin 'yan."

Nakatingin lang silang apat sa itaas. Hindi nila maaninag kung sino ang tao dahil napakataas nito at madilim. Pero nakikita nila na may dalawang tao na nakatayo. Tumunog bigla ang telepono ni Andrei. "Tumatawag si Luna." Napatingin sila sa itaas. "Mukhang hindi si Luna ang nasa itaas. Sasagutin ko na."

"Magandang gabi." Ikinabigla ni Andrei dahil boses lalaki ito.

"Si-sino ka? Pwede ka bang magpakilala?"

"Kaibigan ko ang may ari ng telepono na ito. May sasabihin akong ilang importanteng bagay."

Napatingin si Andrei sa itaas at sa mga kasama niya. "Sige sabihin mo. Makikinig ako."

"Ipinaheram sa'kin ang telepono na ito."

"Si Luna ang may ari niyan."

"Tama ka. Luna nga talaga ang pangalan niya."

Dead Or Alive [Volume 2]Where stories live. Discover now