120. Patawad, Luna

142 24 2
                                    

Gulat na gulat si Vince sa paglitaw ni Dionne sa harapan niya matapos niyang alisin ang bato na nakadagan sa kaniya.

"Super Strike!!" Isang malakas na pwersa ang tumama sa kaniya na nagpasabog sa sahig at sa mga bato na nagkalat sa paligid. Lumikha ito ng konting usok. Bumaon bahagya ang katawan ni Vince sa lupa.

Namilipit siya sa sakit pagkatapos dahil napuruhan ang sikmura niya. Dumura siya ng dugo habang hawak ang sikmura niya. Tumingin siya sa harap at naging alisto pero usok lang ang nakikita niya na likha ng lupa. Bigla din itong nawala dahil inihip ng malakas na hangin.

Nakita niya si Dionne na nakatayo. "Huwag kang mag-alala." Sabi ni Dionne. "Nangingiliti lang ako."

Bumangon siya nang makabawi sa sakit na naramdaman. Muli siyang dumura ng dugo.

"Hindi pa tapos ang laban. Hindi ka dapat nang-iinsulto agad." Sagot ni Vince.

"Napakabilis naman." Nakatingin lang si Vince kay Dionne. "Nakakuha ka agad ng aral sa nangyari. Ayaw mong mainsulto pero ginagawa mo kanina. Marahil naisip mong mali ang ginawa mo dahil hindi pa naman tapos ang laban kaya sinasabi mo sa akin ang aral na napulot mo ngayon lang."

Magsasalita pa sana siya pero mabilis na naman na umatake si Dionne. Nakalapit na agad ito sa kaniya. "AYOKO NANG PATAGALIN 'TO!" Isang siko sa ulo ang ginawa ni Dionne na tumama sa tainga ni Vince kaya agad din itong tumalsik. Hinabol niya ito. "Hindi gagana ang Earthquake mo kapag kaya itong tanggapin ng kalaban mo." Sinipa niya ito pataas. Umangat na naman ang katawan ni Vince at bumangga sa ilalim ng kabilang hagdan sa ikalawang palapag. Sinundan agad ni Dionne ng sipa pataas na gumamit pa siya ng dalawang paa para mawasak ang hagdan na tinalsikan ng katawan ni Vince. Hindi agad nawasak ang hagdan dahil sa mga bakal na pumapaloob dito kaya nang masira ang bato ay naiwan ang bakal na nayupi dahil sa diin ng ginawang pagsipa. Bumaba uli si Dionne at inabangan ang katawan ni Vince na nahulog. Sinipa niyang muli pataas at ganun uli ang ginawa niya hanggang masira na pati ang bakal sa lakas ng pangalawang sipa niya na dalawang paa ang ginamit. Bakas sa itsura ni Vince na nasasaktan siya. Tumagos ang katawan niya sa ikalawang palapag pero bumagsak ito agad at hindi na tumalsik. Sumunod din agad si Dionne at tinapakan ang katawan niya kaya nakagawa na naman ng pagwasak ng sahig sa lugar na ayos pa ang hagdan. "Gumawa ka ng paraan dahil hindi kita titigilan." Binagsakan pa niya ng sipa sa dibdib ito pero sinalo ito ng kamay niya kaya nakadagan lang sa dibdib ang binti ni Dionne. Hirap na itinulak ito ni Vince at agad tumayo at lumayo. Nakatayo lang si Dionne sa itaas habang si Vince ay bumaba na tila pagod na pagod na nakatingin sa kaniya.

Ngumiti si Vince na may tumulo pang dugo mula sa bibig niya. "Isa lang ang masasabi ko. Oras na maubos ang lakas mo, katapusan mo na habang ako ay kaya ko pang tumanggap ng maraming pagpapahirap. Hindi ako basta basta, Miss Parker." Pinanlakihan pa niya ng mata si Dionne.

"Alam kong hindi ka agad agad mamamatay sa gulpi lang dahil ikaw ang demonyo dito. Kailangan sa'yo ay pahirapan hanggang sumuko ka at pagsisihan ang mga ginawa mo."

"Hindi mo pa ako kilala nang lubos. Kaya kung inaakala mong matatapos lang sa ganito ang lahat ay nagkakamali ka. Pagkakamali nga ang labanan ka, inaamin ko. Pero wala akong pagpipilian kung ikaw mismo ang lumalapit sa'kin para patayin ako."

"Tumigil ka na!" Bumaba si Dionne at inatake si Vince. Umilag at sumalag ito sa atake.

"Sa kabila ng lahat. Marami pa akong enerhiya na natitira." Sabi ni Vince at buong tapang na lumaban.

Nagawa pa niyang makipag palitan ng atake kay Dionne. "Oo tama ka. Hindi ka nga basta basta. Nagagawa mo pang kumilos nang kasing bilis gaya nang mula umpisa mong ginamit ang Rampage." Sagot ni Dionne habang nakikipag palitan ng atake. "Huwag ka uling sasablay dahil hindi mababago ang laban habang gamit ko ang Super Mode!"

Dead Or Alive [Volume 2]Where stories live. Discover now