Chapter 42- Kidnapped?

Magsimula sa umpisa
                                    

Yung bakla nga, na amaze pa sa buhok ko kaya ang ganda nung pagkakagupit at tumuwid pa yung buhok ko. Di na katulad ng dati. After 30 minutes, natapos na din kami. 

Tara dun oh! ” sabi ni Shay. Ha? Teka, branded yun ah! 

Huy! Ano ka ba. ‘Di mo ba nababasa yung brand? Ang mahal kaya jan. ” sabi ko.

 “ Ano ka ba? Treat ko na sayo to noh! ” sabi ni Shay. 

Aba’t ang yaman mo ngayon ah? Nanalo ka sa lotto? ” tanung ko. 

Sira! Naipon ko lang ito.” Sabi naman niya.

Ha? Ipon mo pala yan eh! Bakit sa akin mo gagastusin yung pinaghirapan mo? Baliw ka ba? Para sayo dapat yan kasi ikaw ang naghirap jan. ” sabi ko naman. 

Ang dami mong daldal. Ano ka ba. Magkaibigan naman tayo kaya isipin mo nalang, birthday gift ko to sayo at wala ka ng gift sa akin sa pasko.  ” sabi niya sabay tawa.

“Sige na nga! Salamat ha.!” sabi ko. 

 After ilang minutes, nakakita rin kami ng bagay na damit.

  

Oh, tara na? ” sabi ko. 

Hindi. Dito ka na magbihis sa mall. ” sabi ni Shay. 

Ha? Bakit? ” tanong ko. 

Alas tres na oh.” Sabi ni Shay. 

Ha? Ganito nalang ako? Ang haggard ko! ” sabi ko bigla. 

Uyy. Gusto magmukhang Cinderella sa harap ni Prince Charming!  ” tukso ni Shay.

 “ Eh, ano naman. Osha! Dito na nga ako magbibihis! ” kaya ayun, nagpunta kaming restroom. Bagay pala talaga yung damit sa bago kong buhok. 

Halika na! ” hatak sa akin ni Shay.

Ha? Saan nanaman tayo pupunta? ” tanong ko. 

Basta. Diba gusto mong magmukhang Cinderella? Halika na, dali! ” sabi niya.

Yun pala, dinala niya ako dun sa may make-up.

Miss, you want to try? ” sabi sa akin nung saleslady.

Lumingon ako kay Shay at nag nod siya. Kaya pala. Gets ko na. Maka-upo na nga. After 10 minutes, natapos din yung saleslady. Ang galing niya. Hindi ko nahalata yung make-up. Pero halatang nag-glow yung itsura ko kahit nude lips pa yung ayos ko.

  

Oh! Tara na! ” sabi ni Shay.

 “ Ha? Ang aga pa oh! ” sabi ko.

 “ Maaga? 3:30 na oh! Isang oras na lang. Magbya-byahe pa tayo. Mamaya, traffic pa jan. Tapos, baka traffic, tapos traffic, tapos baka traffic pa ulit! Male-late ka! ” sabi ni Shay. Anu ba yan. Puro traffic.

Oo na nga! Nanalo ka na! ” sabi ko. Tapos, pumunta na kami sa sakayan. Nagulat ako ng lumapit si Shay sa isang taxi. 

Hoy, ang yaman mo rin noh? Makakarating tayo ng school ng naka-jeep. Hindi taxi! ” sabi ko.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon