Kryshll's POV

  

Papunta na ako dun sa sasakyan. Binaba nung driver yung window niya. Tapos, ang nakita kong nasa driver’s seat ay si Josef. 

 

 Good Evening, Miss Kryshll. ” sabi niya.

 “ Josef? Ikaw ang pinadala ni Ethan?  ”

Opo. Tara na, Miss Kryshll. ” sabi niya. Natawa lang ako sa kaka-miss niya sa akin.

Five minutes na. Saan kaya ito pupunta? Pero teka, bakit parang papunta kami sa school?

 

Josef, bakit sa school tayo pupunta?  ” tanong ko. Hindi na siya sumagot.

Dito na po tayo. Kailangan mo na pong bumaba.  ” sabi niya. Bumaba na ako tapos umalis na yung sasakyan. Pagbaba ko, andun si Paolo, may hawak na bouquet ng red and white roses. Planado pala lahat ito. Kaya naman pala.

Para sayo daw po. ” sabi niya ng parang batang yagit. Natawa ako sa mga pinagagawa ng mga kaibigan niya. 

Please follow po the arrows.” Sabi niya. Tumango lang ako.

  

Tapos biglang may stop sign. Pag-angat ko ng ulo ko, andun si Chris. May hawak na malaking teddy bear. 

 

Para sayo din daw po. ” sabay bigay ng teddy bear. 

Teka, ang laki neto. Pano ko bubuhatin? Pwede bang patulong? ” sabi ko. 

Hindi daw po pwede eh. Kayo lang ang pupunta. ” sabi ni Chris sabay ngiti 

Pero bakit ganun? Parang sa  mga mata niya, malungkot siya? Ano ba yan. Kung anu-ano nanaman ang pinagiisip ko. Bahala na. Kinuha ko yung bear tapos naglakad. Ang hirap ah! Naka-high heels pa naman ako. Dinaanan ko na si Chris pero parang sabi ng utak ko na lumingon sa kanya. Kaya, napalingon naman ako. Nakatingin siya sa akin. Nakangiti pero halatang malungkot siya. May problema kaya siya? Tapos umiwas na siya ng tingin. Kaya lumakad na ako. Teka, papuntang fountain ito ng school ah. Eto ba ang tinatawag niyang park?

  

Ano ba yan, ang hirap namang maglakad hawak itong bear na ito. Buti nalang medyo kita ko pa sa side. Tapos, padilim pa ng padilim. Ayun! Stop nanaman daw! Teka, wag niyang sabihing may ibibigay nanaman! Ayoko na. Nag-aantay ako ng lalapit at magbibigay ng something pero imbes na bigyan ako, may humawak ng bear sa harapan ko. Binaba niya ito. Pagtingin ko, si Ethan. 

 

Hi Krysh. Long time no see. I miss you so much. ” sabi niya tapos ngumiti. A smile that can take your heart away. 

Hello, Ethan. ” yung lang nasabi ko.

You didn’t miss me? ” tanong niya sabay pout. 

Yes, I did. ” sabi ko. Nagaalangan pa akong sabihin yun. Tapos ngumiti siya. Tinaas niya ang braso niya. 

Remember this? ” sabi niya sabay snap. Tapos biglang nagliwanag ang paligid. Sa likod niya, isang dinner table. Teka, parang… Oo nga! Dinner table na ginawa namin nung Valentine’s Day Special! 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!