Chapter 9 - The Finalists

6.2K 110 10
                                    

 Kryshll’s POV 

Natapos na ang first and second quarter. Third quarter na. Hindi na ako ginulo ni Ethan after nung nangyari 7 and a half months ago. Hahaha! Nagkamali kasi siya ng kinalaban. Akala niya, papatalo ako? May lahi akong Gabriella Silang ano! Di ako papatalo lalo na sa usapang lalaki. Hinding hindi ko sila uurungan. Tumayo na ako at naligo. Nag-ayos sa sarili at bumaba na. 

Good morning, Mama! ” Bati ko sa magandang maganda kong nanay. 

Kamusta ang tulog ng angel ko? ” Sabi ng mama ko sa akin.

 “ Eto ok na-- ” Sasagot na sana ako ng sumabat si kuya. 

Angel? Hahaha. Mama naman, masasanay yan sa iyo. Baka isipin niya, ang ganda na niya talaga. Haha. ” Nag-umpisa nanaman itong unggoy na to eh. 

Ikaw talaga, panira ka ng umaga eh noh? ” Sabi ko kay kuya. 

Kevin, pabayaan mo na nga ang kapatid mo. Niloloko mo nanaman eh. Kumain na kayong dalawa. ” Sabi ni mama kay kuya. 

Belat! ” Pang-aasar ko pabalik.

  

Kumain na kami. Nahalata ko kay kuya na mukhang nagmamadali siya. Ewan ko ba pero binilisan ko naring kumain at baka iwanan niya ako. Tumayo na siya bigla at uminom ng tubig. Tumayo narin ako. 

Mama, tapos na ako. Alis na ako. ” Sabi ni kuya. 

 “ Sige Mama, alis na kami ni kuya. Bye! Muah! ” Humalik na ako kay Mama at pagtalikod ko, pinigilan ako ni kuya. 

 “ Ano nanaman bang trip mo kuya? ” Sabi ko. 

Di muna kita mahahatid. ” Ano daw? Wala akong guardian! Kailangan ko ng bantay kasi hindi naman na ako sinusundo nila Shay dahil hindi naman na ako pinakikialaman ni Ethan. 

At bakit, magaling kong anak? ” Sabi ni Mama kay kuya. 

Magaapply po ako ng trabaho ngayon mama. I think it’s time na para tumulong ako sayo. Tutal naman, tapos na ako sa pagaaral at alam kong may trabaho akong makukuha. ” Paliwanag ni kuya. 

Oh siya, siya. Mag-ingat kayo. Ok ka lang bang magisang pumasok ngayon, Krysh? ” tanong sa akin ni mama.

Ok naman na po ako mama. Kaya ko na ito. ” Sabi ko sa kanya dahil hindi naman na ako kinakabahang pumasok sa school dahil wala na akong katatakutan. 

Thanks, kapatid! ” Pa-sweet namang itong kuya na ito. 

Sige, basta treat mo ako sa first sweldo mo ha! ” Sabi ko sa kanya. 

Oo ba! Tara, sabay na tayo palabas. Pasakayin lang kita ng jeep, aalis narin ako. ” Sagot sa akin ni kuya. 

Yes! Sige, tara na! ” Sabi ko sabay kuha ng bag at lunchbox. 

Sa School. 

Krysh! Kanina ka pa namin hinahanap. Tara na sa classroom! ” Salubong sa akin nila Mika. Kahit kailan talaga, napaka-bait nila. 

Sige, tara na! ” Sagot ko. Umupo na kami sa upuan namin. Tabi-tabi parin kaming apat at nagdadaldalan hanggang sa dumating si Miss Loveliness. Ang super supportive naming adviser. Oh diba, kahit college na, may adviser pa din. Nakakaloka ang University na to. 

Good morning my dear students. ” Bati niya. Kahit kailan, ang ganda ganda niya talaga. Idol na idol ko siya. 

Good morning din Teacher! ” Sagot namin. 

Take your seats. ” Sagot niya. At umupo na kami.

 “ Class, I have a good news. Math and Science Week na next week. ” Panimula niya.

Every year, may napipiling dalawa per section at lalaban sa Math and Science Quiz Bee. Magkahalo na iyon. Siyempre, kalaban natin ang Class A, B, D at E.  And speaking of contest, naalala niyo pa ba ang sinabi ko sa inyo nung first day of classes? Wag na wag tayong papatalo sa Class A. ” Hirit niya. 

Yes Teacher! ” Sigaw naming lahat. 

Good. Then, sasabihin ko na ang mga napili ko sa section na ito. Deserving silang maki-contest dahil alam kong matatalino talaga sila. ” Excited na ako! Sino kaya yun? 

Sino kaya? ” Rinig kong bulong ni Shay sa amin. 

Give it up for, Ms. Mikaela Denise Brioso and Ms. Kryshll Xyz Ruiz! ” Ano daw? Ako? Tumayo ako at nag-smile sa classmates ko. Sabagay, kaya ko naman eh. Pero pano yan, matinik daw kalaban ang Class A! 

Tayo yun! ” tumayo siya at natulala naman ako. 

OMG ” sabi ko nalang at umupo. 

You two, please review your past lessons well. Lalo na ang Math. Tricky daw ang questions this year.  ” Paalala sa amin ni teacher. 

“ Yes teacher. ” Sagot na lang namin. Kinakabahan ako. Sino kaya ang makakalaban namin?

Riiiiiing! Yes, tumunog na ang bell. Break na. Pumunta na kami sa favorite spot namin. 

Uy, si Ethan my love at Chris baby ang napili para sa contest next week! Matinik yung dalawang yun. Lagot ang mga kalaban nila. Hahaha. ” Rinig naming sabi nung Bitches na dumaan sa umbrella tree namin. Inangkin eh no? Hahaha. 

Shit, pano yan Krysh? Demonyo pala makakalaban natin. ” Sabi sa akin ni Mika na alalang-alala. 

Ano ka ba Mika! Kaya natin sila! Ipapakita ko na kaya ko siyang talunin sa kahit anong bagay. ” Sagot ko. 

Sino? Si Ethan? Di ka parin ba maka-get over sa ginawa niya sa iyo noon? ” Sabi ni Jam. 

Jam, ikaw na nga ang nagsabing wag papatalo dun diba? Kakayanin namin to. At tsaka, sinong hindi magagalit sa ginawa niya? Muntik na niyang kunin ang isa sa pinakamahalagang bagay sa akin!  ” Sagot ko kay Jam. 

Oo nga naman Jam. Bukod sa demonyo yung Ethan na yun, manyakis pa. Ugh. Nakakadiri siya noh! ” Pagtatanggol sa akin ni Shay. 

Ugh. Tama na. Kain na tayo at ng makabalik tayo sa classroom agad. ” Sabi ko sa kanila at binuksan na ang pagkain ko.

Nakikita mo ba ang nakikita ko? ” Tanong ni Shay.

Na? ” Sabay lingon nilang dalawa. Ako, kinakain parin yung favorite biscuit ko. 

Paparating siya. Dali! Alis na tayo! ” Sigaw ni Shay. Tumayo na silang tatlo at ako, kumakain parin. 

Tumayo ka na jan Krysh. ” Sabi ni Jam sa akin.

 “ Bakit ba? ” Reklamo ko dahil naiistorbo ang pagkain ko ng favorite food ko.

Lumingon ako sa likod para tignan ang reason kung bakit sila nagmamadali. Nanlaki ang mata ko ng palapit sa amin ang isa sa four-whore. Si Chris. Sinubo ko na yung biscuit ko at kinuha yung lunchbox ko. Pagtayo ko, may humawak ng kamay ko. Malamang, nahuli niya ako. Ano ba kasi ang ginagawa niya dito? Ugh.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon