Christian’s POV

Ang init! Bakit ba napakainit sa Pilipinas! Nakakabanas naman! Makakain na nga lang sa labas kasama sila.

Calling Ethan…

O dre? ” tanong niya pagkasagot na pagkasagot.

  “ Kain tayo. Gutom na ako eh. ” sabi ko. Grabe, tumatagaktak ang pawis ko

 “ Saan ba? Sakto! Gutom narin kami ni Krysh eh. ” sagot niya na halatang pagod at gutom din.

 “ Kasama mo siya? Sige! Sa dating kinakainan! ” sabi ko. 

Okay! Papunta na kami! ” sabay baba niya ng telepono.

Calling  Josef…

Heller? Sinetch po itey? ” Sino to? Teka, nagba-bakla baklaan nanaman ba itong si Josef? Tch.

 “ Hoy Hosepino! Itigil mo nga yan. Nakaka-tindig balahibo ka. ”

 “ What can I do for you, pretty boy? ” Ugh. -_-

 “ Isa pa Hosep, babanatan kita jan!

 "Oo na nga! Ano bang kailangan mo? ” asar na sabi niya.

 “ Kasama mo si Paolo? Kain tayo. Sa dating lugar. Punta nalang kayo dun ha! Bye! ” sabay baba ng telepono. Pano kaya pag si Josef eh... Imposible. Man-slut yon eh.

  

Calling  Shay…

Oh Christian! Napatawag ka? ” kasasagot, yun agad? Problema ng mga tao ngayon?

Napatigil ako. Yung boses… Parang… pamilyar. Aish! Gutom lang to.

  

Huy! ” sabi ni Shay.

 “ Ay. Sorry. Kumain na kayo? Kasama mo si Jam at Mika diba? Asan kayo. Sunduin ko kayo. ” dere-deretcho kong sabi.

 “ Isa isa lang. Bakit ba? Oo, kasama ko Mika. Si Jam, kasama si Paolo at Josef ata.

 “ Gutom ako eh! Tsaka ang init pa. Inaya ko na silang lahat. Kain tayo sa labas. Libre ko. ” Eh sa ang init eh!

 “ Sige ba! Libre mo eh! Andito kami ni Mika sa bahay. Alam mo naman yun diba? Punta ka nalang. ” sabi niya sabay baba ng telepono.

After 15 minutes, andito na ako sa bahay nila Shay. Pagkita ko, si Mika lang naman ang lumabas.

Si Shay? ” 

Ah. May inutos sa kanya saglit. Sabi niya, sunod nalang daw siya. Saan ba yung pagkakainan? ” sagot ni Mika.

 “ Dun sa may amin. Text mo nalang siya kung saan. Tara na. Nag-aantay na sila Ethan dun eh. ” sagot ko at nag-drive na palayo.

Walang music? ” Sabi ni Mika sabay kalikot ng player sa kotse.

 “ Maghanap ka ng CD. Madamin jan. ” sabi ko at itinuro ang lagayan ng CD.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!