Chapter 66- Final Goodbye

2.5K 42 5
                                    

Kryshll’s POV

Nagising ako sa boses ng mama ni Ethan at ng doktor. Sabi niya na mas magandang idala sa States si Ethan. 

States? No. No. I won’t  let him out of my sight. Nakita akong gising ng mama ni Ethan pero bumalik agad ang atensyon niya sa doctor.

Okay. Kailan namin siya pwedeng ilabas? ” tanong ng mama ni Ethan.

As soon as possible.” Sabi naman ng doctor. Napatayo ako at medyo lumapit.

Can I go too, tita? ” Singit ko. Shit. Did I just call her tita? Hindi na ako nahiya.

Yes. He’ll need you.” Sabi ng mama ni Ethan. Thank God, pumayag siya.

After 2 days, na-grant na pwede ng bumyahe si Ethan. Naayos na lahat ng kakailanganin nila para dalhin siya sa States.

Krysh, anak. Mag-ingat ka don ha. ” sabi sa akin ni Mama. Hinatid kasi nila ako ni kuya sa airport.

Opo, ma. Sorry kung aalis nanaman ako. Saglit lang naman po ito eh. Gusto ko lang po na nasa tabi ni Ethan kapag gumising na siya. ”

Alam ko, anak. Sana maayos niyo na ang sa inyo. Ayokong nakikita kang nasasaktan.”

 “Pero siya po ang nasaktan ko, ma. Kaya ako ang gagawa ng paraan para maayos to ulit. ” tumango si mama.

Aalis na po ako. ” sabi ko kay mama kasi nakita ko sila Chris kasama sila Paolo at Josef. Mayroon kasing private plane sila Ethan. Yun ang gagamitin namin. May mga kasama rin kaming doctorsand nurses.

Ethan, I won’t give up on you. Alam kong gagaling ka. Alam kong magigising ka. At gusto ko, nasa tabi mo kapag nangyari yon.

 

States…

 

It’s been 2 weeks simula ng dumating kami dito sa States. Hindi parin gumigising si Ethan. He’s in coma, yes. But he’s still alive. And I know that his heart can hear me pleading kaya hindi pa siya bumibitaw. At nagpapasalamat din ako kasi ayaw siyang bitawan ng magulang niya. Hindi pa kasi sila handang i-let go siya. At hindi ko rin kayang mawala siya sa akin. I can’t afford to lose him. Kaya sinabi ko sa magulang niya na konting panahon pa. Alam kong magigising din siya. Hindi ako nawawalan ng pagasa kasi alam kong hindi dito matatapos ang pagmamahalan namin.

Maraming media na ang pumupunta sa hospital para ma-interview ang parents niya at sila Chris. Ewan ko kung paano nila nalaman na andito siya. Ayaw namang tantanan ng media sila dahil isang sikat na image si Ethan dahil tagapagmana siya ng maraming kumpanya. Haaay. Hindi pa ba sila nagsasawa?

Calling… Chris

 

Oh, Chris? Bak-” pero pinutol niya ako.

Krysh! Good news! Pumunta ka dito bilisan mo! Nagising na si Ethan! ” tuwang-tuwa na sabi ni

Chris.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon