Kryshll’s POV

Ngayon pala ang araw ng flight ni Chris. Nabigay ko naman na ang mga regalo ko na ipapadala sa kanya. Siyempre, binigyan ko rin si Chris. Napakabait ng nilalang na yun. Sana matulungan ko siya sa problema niya. Ay oo nga pala. Binigyan rin ako ni Ate Monique ng gift. Si Xander naman, di pa nakakabalik. Haaay, lonely nanaman ako dito sa States! Wala na nga si Xander, aalis pa si Chris mamaya, busy pa si Ate Monique. Tama nga si Chris, dapat may iba rin akong kaibigan dito hindi lang iisa.

 

Andito na ako sa airport. Sabi ko kay Chris, dun na kami magkikita. 15 minutes na akong nagaantay dito. Asan naman na kaya yung nilalang na yun? Ay! Ayun na pala eh!

 

Kanina ka pa ba jan? ” tanong ko. 

Kadarating ko lang. ” sabi niya. 

At talagang ako pa ang mas nauna sayo. Ambagal mo palang kumilos! HAHAHA! ” sabi ko.

 “ Hindi kaya! Ngayon lang! O, nakita mo na ako bago umalis. Umuwi ka na.” sabi niya.

 “ Ha? Teka, 1 hour pa naman bago ang flight mo. Dito muna ako. ” sabi ko.

 “ Hindi. Ok na ako dito. Umuwi ka na. ” sabi niya.

 “ Sigurado kang ayos ka na? ” tanong ko.

 “ Oo. Uwi na. ” sabi niya.

 “ Opo! Bye! Ingat ka ha! ” 

Bye!

Sana safe siyang makarating sa Pinas. Haay! Ang aga-aga. Anu naman kaya ang gagawin ko dito sa bahay? Hmmp! Makatulog na nga lang tutal malamig naman ang panahon at masarap matulog.

 

Pagbukas ko ng pinto sa kwarto….

 

May life size teddy bear! OMG! It’s soooo fluffy! Teka, kanino galing to? Bigla kong nakita ang isang letter sa may side desk ko.

 

Krysh,

I’m sorry for being a coward. Hindi ko lang talaga sayo masabi ng harapan kaya idinaan ko nalang sa sulat. Mahal na mahal kita. Matagal na. Kaya nga ako sobrang nasasaktan kasi mahal mo parin siya. Hindi ko kasi gusto na mawalan ng kaibigan kaya’t pinili ko nalang na itago itong nararamdaman ko para sayo. Susubukan kong kalimutan ka, pangako. Kahit na wala na kayo, hindi ko parin kukunin ang opportunity para mahalin mo ako pabalik. Gusto ko lang malaman mo ito. Salamat dahil pinasaya mo ako ng sobra nung Pasko at salamat dahil nakilala kita. Masaya narin ako dahil magkaibigan parin tayo kaya sana hindi magbago ang tingin mo sa akin. Andito lang ako para sayo. Wag mo sanang kalimutan yon.

 

Chris

 

Ma-mahal ako ni Chris? Kaya ba siya umiiyak dahil sa akin? OMG! I’m such an idiot! Bakit hindi ko man lang iyon nahalata!  Ang tanga tanga ko. Oh no.

Bigla akong tumakbo pababa. I still have time. Maabutan ko pa siya.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!