Kryshll’s POV

 

Phew! Jetlag! Hindi pa nga pala alam nila mama na andito na ako. I want to surprise them kaya hindi ko sinabi na pauwi na ako. Nag-taxi nalang ako pauwi.

Pagdating sa bahay…

OMG. Walang nagbago sa bahay namin. Andun parin yung mga favorite kong flowers sa harap. Mukhang inaalagaan talaga ni Mama yun.

Biglang may lumabas. Si Mama. Nagtataka siya nung may taxi sa harap ng bahay. Lumabas ako ng taxi.

 

“ Kry- Kryshll? ”

 “ Ma… ” Napaluha ako.

 “ Kevin! Andito na ang kapatid mo! ” sigaw ni Mama. Bigalang lumabas si Kuya.

 “ Krysh! ” sabay yakap nilang dalawa sa akin.

 “ Miss na miss ko po kayo. ” sabi ko. Humiwalay sila.

 “ Teka nga… Ikaw ba yan? Ang laki ng pinagbago mo! Naga-ayos ka na! Ganyan ba ang naga-america? Aba! ” sabi ni kuya.

 “ Hoy! Hindi noh! Gumaganda lang talaga ako. ” sabi ko.

 "Asus! Oh, may boyfriend ka na bang iba? May nakilala ka ba dun? ” tanong sa akin ni kuya. Siniko siya ni mama.

“ Ano ka! Wala noh! Tulungan niyo nalang ako sa dala ko! ” sabi ko. Lumapit ako sa Taxi Driver.

 “ Sorry Manong ha. Naabala pa kita. Kukunin na namin yung bagahe. ” sabi ko.

 “ Ayos lang po yun Miss. Ganyan talaga pag matagal ng hindi nagkikita. ” sagot nung driver. Buti pa si manong! HAHAHAHA!

 “ Thank you po. ” sabi ko at kinuha yung mga bagahe. 

“ Ma, papuntahin niyo silang tatlo dito. Pupunta agad yun. May dala narin naman akong meryenda. ” sabi ko. 

“ O sige. Matutuwa yung mga yun. ” sabi ni Mama. Tinext niya sila isa isa. Tinago ko yung mga bagahe ko sa kwarto. 

After 10 minutes dumating sila.

 

“ Hi Tita. ” sabi ni Mika. 

“ Bakit niyo po kami tinawag? ” sabi ni Shay.

“ Ah. Pagme-meryendahin ko sana kayo. Buti naman at nakapunta kayo. ” sabi ni Mama.

 “ Ganun po ba? Nag-abala pa po kayo. Pero dahil nagpunta narin kami, makiki-meryenda narin kami. ” sabi ni Jam. Grabe si Jam, parang walang problema. Habang kumakain sila…

 “ Ahem Ahem ” Napatingin silang tatlo sa direksyon ko. Nagtago kasi ako.

 “ Krysh?! ” sabay sabay na takbo nila sa akin. 

 “ Sino pa ba? ” sagot ko.

“ OMG! Kailan ka pa dumating? ” tanong ni Mika.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!